Balita

Juday, may pasabog na pelikula

- Ni NITZ MIRALLES

PELIKULA pala ni Judy Ann Santos ang gagawin ni Direk Erik Matti at hindi pelikula ni

Sharon Cuneta. Inakala kasi ng mga nakabasa ng post ng director na ang ididirehe niya ay si Sharon, dahil sa hashtag na gagawa siya ng movie with a Mega Icon. Si Sharon ang kilalang Megastar, kaya umasa ang fans ni Sharon na pagkatapos ng Three Words to Forever ng Star Cinema, ay magkakatra­baho naman sina Sharon at Direk Erik.

Si direk Erik na rin ang bumasag sa mga umasang ang Megastar ang bida sa next movie niya nang i-post ang picture nila ni Judy Ann, na sinundan naman ng post ni Juday ng larawan nila ni Direk na caption ng aktres na, “Super productive day! @erikmatti tandaan mo...mine!! All mine!!! Husay mo!”

Sinagot ito ng direktor, “All yours in 2019 @officialju­day! #thelastpat­ientinsanf­rancisco. Great seeing you again!”

Ang title ng movie ay nasa hashtag ni Direk Erik, The Last Patient In San Francisco,

na ang tunog ay parang horror movie o kaya naman ay psycho thriller.

Sa 2019 pa ang playdate ng pelikula pero ngayon pa lang ay excited na ang fans ni Judy Ann na muli siyang mapanood sa big screen, lalo na dahil si Direk Erik ang direktor. Hindi pa binanggti kung sino ang makakasama sa cast ng aktres.

Speaking of Judy Ann, marami ang kinilig na supporters nila ng asawang si Ryan

Agoncillo sa post ni Ryan na #storiesfor­lucho, na obviously ay dedicated para sa anak nilang si Lucho. Kinuwento kasi rito ni Ryan ang love story nila ni Judy Ann.

“Your mom is a big movie star. I went with her to an island while she was filming. I took these portraits and asked her to marry me a few months later. Especially in love, it’s ok to punch above your weigh class bud.”

Singot ito ni Jusy Ann ng, “And ...it was the best decision ever. I love you bub!” kaya naman todo ang kilig ng mga fans na nakabasa, pati na rin ang showbiz friends ng mag-asawa.

 ??  ??
 ??  ?? Direk Erik at Juday
Direk Erik at Juday

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines