Balita

Carlo, ayaw mag-‘I love you too’ sa fans

- Reggee Bonoan

SA nakaraang Matteo X Carlo concert nina Matteo Guidicelli at Carlo Aquino ay hinahanap ng lahat kay Carlo si ‘jowa’ o si Angelica Panganiban.

Ito kasi ang term of endearment ni Angelica kay Carlo sa pelikulang Exes Baggage na tumatak sa lahat ng nakapanood at mukhang nasanay na rin dito ang aktor, bukod sa ‘Daddy’ na tawag din sa kanya ng dalaga sa personal, base sa mga posts sa social media.

Hindi nakarating ang aktres dahil may taping daw ng PlayHouse

si Angge kaya hindi nakadalo sa concert. Si Matteo ang sumasagot nito dahil panay lang ang ngiti ni Carlo sa mga nagtatanon­g sa kanya.

Halata ang saya kay Matteo dahil nasa audience ang kanyang ‘My Love’ na si Sarah Geronimo na kinikilig kapag inaalayan siya ng awitin ng aktor.

Bagay na nagsama ang dalawa dahil si Matteo ay sobrang madaldal at si Carlo ay tahimik, pangiti-ngiti lang at pabirong binabanata­n ang kaibigan kapag binubuking siya.

Maraming fans ang humihiyaw kay Carlo ng ‘I love you’ at nag-eexpect sila ng sagot mula sa aktor ng ‘I love you, too’ kaso wala, ha, ha, ha. Ang tanging sagot niya ay ‘magagalit si jowa!’ kaya naman tawanan ang lahat.

Oo nga, kasi si Matteo halos lahat ng nagsasabi sa kanya ng ‘I love you, Matteo’ ay sinasagot niya kaagad ng,

‘I love you, more.’

Maiintindi­han naman ito ni Sarah dahil ganito rin naman siya kapag may concerts siya dahil ito rin naman ang gusto ng supporters nila na marinig buhat sa kanilang idolo.

Aliw ang Matteo X Carlo concert at halatang hindi magkamayaw ang fans ng dalawa na simula yata ng show hanggang matapos ay hindi natigil sa kahihiyaw at kabi-video.

Anyway, okay ang line-up ng songs na ibinigay ng musical direktor nilang si Marvin Querido sa mga boses nina Mat at Carlo.

Gusto namin ang Parokya ni Edgar medley, Bruno Mars at The Beatles.

Balita namin ay ililibot sa mga probinsya ang Matteo X Carlo concert sa 2019.

Congrats, Mat at Carlo!

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Angelica at Carlo
Angelica at Carlo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines