Balita

LeBron kumamada ng 51 vs Heat

LeBron, kumubra ng 51 pts. vs Miami; Warriors, olats uli

-

MIAMI (AP) — Nagbalik si LeBron James sa Miami at isang malupit na performanc­e ang kanyang ibinigay laban sa dating koponan.

Nagsalansa­n ang four-time MVP ng 51 puntos para sandigan ang Los Angeles Lakers laban sa dating koponan na Miami Heat, 113-97, nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Hataw si James sa naiskor na 19 puntos sa first quarter para palagablab­in ang opensa ng Lakers tungo sa dominanten­g panalo. Umabot sa pinakamala­king 21 puntos ang bentahe ng Lakers.

Ang 51 puntos ay season high ni James at pinakamala­king iniskor laban sa Miami. Nakapagtal­a siya ng 47 puntos sa dalawang pagkakatao­n laban sa prangkisa na ginabayan niya sa dalawang kampeonato noong 2012-2013. Sa kabuuan ng career, kabilang ang playoff ito ang ika-13 pagkakatao­n na umiskor si James ng 50 puntos.

Ito rin ang unang panalo ni James laban sa Heat mula nang lisanin niya ang Miami matapos ang bigong 2014 NBA Finals. Bago ang paano, 0-4 ang mark ni James laban sa Heat at 0-7 ang koponan niya, kabilang ang Cleveland.

Nanguna si Wayne Ellington sa naiskor na

19 puntos sa Miami, nabigo sa ikapaat na home game at bumagsak sa pinakamasa­mang panimula sa 5-11 karta. Nag-ambag si Josh Richardson ng 17 puntos bago napatalsik sa laro bunsod nang paghagis niya ng pares na sapatos sa crowd dahil sa pagalburut­o sa masamang tawag ng referee.

Hindi naglalaro si

Goran Dragic sa Miami dahil sa injury sa kanang tuhod, habang nagmintis si Dwyane Wade sa ikapitong sunod na laro dahil sa pahsilang ng kanyang anak.

 ?? AP ?? TILA bulkan na nagalburut­o si LeBron James sa natipang season-high 51 puntos laban sa dating koponan na Miami Heat.Nakamit naman ng GS Warriors ang ikatlong sunod na kabiguan sa Spurss,104-92
AP TILA bulkan na nagalburut­o si LeBron James sa natipang season-high 51 puntos laban sa dating koponan na Miami Heat.Nakamit naman ng GS Warriors ang ikatlong sunod na kabiguan sa Spurss,104-92

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines