Balita

Road closure, rerouting sa Maynila ngayon

- Mary Ann Santiago

Isasara ng Manila Police District (MPD) ang ilang pangunahin­g lansangan sa lungsod ngayong Martes kaugnay ng pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Sa abiso ng MPD-Traffic Enforcemen­t Unit (TEU), mula 6:00 ng umaga ay sarado na sa trapiko ang Solano Street, mula sa P. Casal hanggang JP Laurel Streets; at ang mga northbound at southbound lanes ng Roxas Boulevard, mula sa Katigbak Drive hanggang P. Ocampo, at Bonifacio Drive mula sa Anda Circle hanggang Katigbak Drive.

Sarado rin sa mga motorista ang eastbound at westbound lanes ng P. Burgos, mula Lagusnilad hanggang Roxas Boulevard; Finance Road mula sa Taft Avenue hanggang P. Burgos; TM Kalaw mula sa MH del Pilar hanggang Roxas Boulevard; President Quirino Avenue, mula sa MH del Pilar hanggang Roxas Boulevard; mula P. Ocampo, sa kanto ng Mabini, hanggang Roxas Boulevard; at Ayala Boulevard, mula Solano hanggang Taft Avenue.

Magpapatup­ad naman ang MPDTEU ng traffic rerouting scheme upang maiwasan ang labis na pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Ang mga sasakyan mula sa northern part ng Manila na dadaan ng Roxas Boulevard southbound lane, ay pinakakali­wa sa A. Soriano, diretso sa Magallanes Drive, kanan sa P. Burgos, at diretso sa Lagusnilad (Taft Avenue).

Ang mga behikulo mula sa FB Harrison ay dapat na kumanan sa P. Ocampo, o dumiretso sa Mabini, habang ang mga magmumula sa Jones, McArthur at Quezon Bridges na magtutungo sa Roxas Boulevard via P. Burgos, ay pinadidire­tso sa Taft Avenue.

Ang mga manggagali­ng naman sa Ayala Boulevard at dapat na kumaliwa o kumanan sa Taft Avenue, habang ang mga nagmula sa westbound lane ng TM Kalaw ay pinakakali­wa sa MH del Pilar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines