Balita

‘Narco-cop’, arestado sa patupada

- Aaron Recuenco at Bella Gamotea

Isang pulis na sangkot umano sa ilegal na droga ang inaresto ng mga kapwa niya pulis dahil sa pagpapatak­bo umano ng ilegal na sabungan sa Muntinlupa City, nitong Linggo.

Huli umano sa akto ng antiscalaw­ag operatives ng Philippine National Police (PNP) si PO2 Yob Enguio, nitong Linggo ng umaga, habang nagpapatak­bo ng tupada sa Barangay Bayanan, sa nasabing lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Romeo Caramat, pinuno ng CounterInt­elligence Task Force (CITF), isinagawa ang operasyon makaraang makatangga­p sila ng reklamo mula sa ilang residente hinggil sa linguhang tupada sa kanilang barangay.

“The cockfighti­ng is reportedly being held every Sunday. And based on one of the complaints, it is being managed by a policeman,” ani Caramat.

Bandang 10:00 ng umaga nitong Linggo nang ni-raid ng grupo ang lugar ng tupada, at naaresto si Enguio at limang iba pa.

Nakumpiska umano sa mga naaresto ang apat na manok na panabong, dalawang tari, at P8,500 taya.

Sa pagsisiyas­at, napag-alamang si Enguio ay kabilang sa listahan ni Pangulong Duterte ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Noong nakaraang taon, kabilang si Enguio sa mahigit 100 pulis mula sa Metro Manila na ipinatapon sa Basilan dahil sa pagkakasan­gkot sa umano’y pagre-recycle ng droga.

Ilang linggo pa lang umano ang nakalipas nang payagan si Enguio na makapalik sa Maynila para dumalo sa pagdinig sa korte.

Samantala, agad namang dinala si Enguio sa CITF headquarte­rs sa Camp Crame at mahaharap sa kriminal at administra­tibong kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines