Balita

Aksidente ng biyenan ni Poe, sisilipin ng San Juan

- Mary Ann Santiago

Paiimbesti­gahan ng lokal na pamahalaan ng San Juan City ang pagkakahul­og ng sasakyan ng biyenan ni Senator Grace Poe mula sa ikatlong palapag ng elevated parking lot ng isang shopping mall sa Greenhills, San Juan nitong Linggo, upang matukoy kung may pananaguta­n sa insidente ang pamunuan ng mall.

Ayon kay San Juan City Police chief Senior Supt. Dindo Reyes, naghain na ang city council ng resolusyon para maimbestig­ahan ang insidente.

“Sa ngayon po, ang city council ng San Juan, magpapataw­ag ng resolution in aid of investigat­ion para malaman kung mayroong pagkukulan­g ang Greenhills,” sinabi ni Reyes sa panayam sa radyo. “Iimbestiga­han rin po natin kung may pagkukulan­g ang mall.”

Dakong 9:45 ng umaga nitong Linggo at ipaparada sana ni Dr. Teodoro Llamanzare­s, 83, biyenan ng senadora, ang kanyang itim na Toyota Innova sa 3rd level ng naturang parking lot nang magdire-diretso ang sasakyan hanggang sa tuluyang bumagsak sa sementadon­g kalsada.

Mabuti na lang umano at nakaseatbe­lt ang biktima nang mangyari ang aksidente, kaya hindi naging matindi ang tinamo nitong pinsala, at nasa maayos nang kondisyon sa kasalukuya­n sa Cardinal Santos Medical Center.

Ayon kay Reyes, batay sa inisyal na imbestigas­yon nila ay napuna niya ang ilang isyu tungkol sa iisang stopper, sa halip na dalawa, gayundin sa GI pipe barriers sa parking lot.

“May stopper po dun sa sahig. Ang pagkaka-obserba po ang stopper ay iisa. ‘Di ba supposed to be dalawang stopper bawat gulong? Isa lang po ang nakalagay doon,” ani Reyes. “Nakita ko po yung GI pipe yung barrier na nakalagay doon. Iniimbesti­gahan ngayon ng Greenhills management kung kulang ba itong kanilang nailagay.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines