Balita

Dennis Trillo, lodi si Cardo

- Ni NITZ MIRALLES

IPINOST ni Dennis Trillo sa kanyang Instagram (IG) aacount ang pag-like ni Coco Martin sa post niya ng Cain at Abel. Nakalagay sa post ang “mr. Cocomartin liked your post” at ang comment ni Dennis na “Salamat sa pag like Cardo. @ mr.cocomartin.”

Sumagot si Coco dito at aniya, “Congrats

Bro sana magkatraba­ho tayo soon!!!” na sinagot uli si Dennis ng, “@mr.cocomartin sana nga! Maraming salamat, mabuhay at pagpalain ka pa sana lalo idol.”

Marami ang natuwa sa convo nina Coco at Dennis at sila man ay umaasang magkatraba­ho ang dalawang aktor. Inudyukan pa nga nila ang dalawa na “make it happen.”

Sa pelikula malaki ang chance na magkasama sina Coco at Dennis dahil malabo itong mangyari sa telebisyon. Si Coco kasi ay nakakontra­ta sa ABSCBN at si Dennis ay sa GMA-7. Siguradong hindi sila ipapahiram ng kani-kanyang network.

Nakakatuwa rin na ni-like ni Dingdong naturang post.

Samantala, tinanong si Dennis tungkol sa eksena niya sa Cain at Abel na tumalon sa tulay ng Sta. Cruz, Laguna. Walang double si Dennis doon at ikinabahal­a ito ni Direk Toto Natividad, dahil delikado ang stunt.

“May emergency medics naman sa set at kung may aksidenten­g mangyari o emergency, may suporta agad,” sabi ni Dennis.

Nagawa ni Dennis ang eksena, ang reklamo lang nito, kung reklamo man, ay lasang dumi ng tao at ihi daw ang tubig sa ilog. Natanggal din naman ang kumapit na amoy kay Dennis sa ilang beses na pagligo.

 ??  ??
 ??  ?? Dennis
Dennis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines