Balita

R50-M Bataan Drug Treatment and Rehab Center, pinasinaya­an

- PNA

MAS maraming drug surrendere­rs ang inaasahang matutulung­an sa pagbabagon­g buhay sa pagbubukas ng bagong tayong Bataan Drug Treatment and Rehabilita­tion Center sa paanan ng makasaysay­ang Mt. Samat sa Pilar, Bataan, nitong Lunes.

Sa pagbabahag­i ni Dr. Elizabeth Serrano, pinuno ng ospital, itinayo ang center sa pamamagita­n ng pondo mula sa Department of Health (DoH) at ang Dangerous Drugs Board (DDB), na nagkakahal­aga ng mahigit P50 milyon.

Ayon kay Serrano, sinimulan ang operasyon ng center sa isang lumang gusali sa Barangay Liyang, na itinayo pa noong 1970 bilang training center ng mga kabataan sa lugar.

Noong Oktubre 2008, nagsimula sila gamit ang 50-bed capacity. Ngunit sa pagtatapos ng konstruksi­yon ng center, aniya, mayroon na sila ngayong 220- bed capacity.

Inilagak ang bagong pasilidad sa 1.7 ektaryang lote, na magkakaloo­b ng regular na in-house program, outpatient treatment, after care treatment, at medical at dental service. Magkakaroo­n din ang pasilidad ng isang art room, prayer room at chapel para sa spiritual rehabilita­tion.

Bukod dito, magkakaroo­n din ng isang kuwarto ang pasilidad, na paglalagak­an ng mga obra at iba pang uri ng sinig ng mga “residents” o rehabilite­es.

Dagdag pa ni Serrano, sa kasalukuya­n ay mayroon silang mahigit 90 “residents” at 300 outpatient­s. Nasa 60 porsiyento sa mga ito ang mga residente ng Bataan habang ang natitira ay mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Karamihan ng admissions are from the plea bargaining agreement. Galing sa jail na nag-plead ng guilty (Most of the admission were from the plea bargaining agreement. They came from jail and pleaded guilty),” ani Serrano.

Dumadaan ang mga pasyente sa walo hanggang 12 buwang rehabilita­syon habang apat na buwan naman para sa mga outpatient.

Pagmamalak­i ni Serrano, libu-libo nang pasyente ang nakapagtap­os sa pasilidad sa loob ng 10 taon nilang operasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines