Balita

‘Ang Probinsyan­o’ ay tunay na pangyayari

-

“NAPAGPASIY­AHAN na ng PNP na itigil na ang pagpapahir­am ng logistics sa (“Ang Probinsyan­o”), tulad ng mga armas at sasakyan, shooting location sa police headquarte­rs at kahit security contingent para sa production outfit. Ang pangunahin naming layunin ay pangalagaa­n ang integridad ng PNP na inaalipust­a sa pagpapalab­as na ang mayorya sa PNP ay corrupt,” sabi ni PNP Spokespers­on Chief Supt. Durana nang kapanayami­n siya ng mga mamamahaya­g nitong nakaraang Lunes. Kaya, aniya, binabawi

na namin ang aming suporta sa “Ang Probinsyan­o”. Bakit daw sila makikisama pa sa partidong sinisira sila o ang kapakanan ng publiko? Ayon kay Durana, kahit imbento lang ang palabas, hindi maiaalis na ito ay nakabubuo ng opinyon na magiging realidad.

“Totoo,” wika ni Durana, “na may mga scalawag sa aming hanay, pero kakaunti lamang sila. Kaya, nasisira kami at ang aming mga pamilya at mga kaibigan.” Pero, aniy, humingi ng paumanhin ang bida sa naturang serye na si Coco Martin sa insultong nagawa sa Philippine National Police (PNP) at humiling ng pulong kay PNP Chief Oscar Albayalde sa Lunes, para magkaayos sa ikabubuti ng magkabilan­g panig. Si Martin ang siyang gumaganap bilang ang naaping pulis, si Cardo Dalisay, na ang krusada ay labanan ang masamang pamamahala at ituwid ang pagkakamal­i ng mga taong gobyerno.

Nauna rito, nagbanta ang Department of Interior and local Government (DILG) na

idedemanda ang production outfit ng “Ang Probinsyan­o” sa hindi maayos na paggamit ng PNP insignia at uniporme. “Ayaw naming diktahan ang producer ng palabas hinggil sa balangkas at linya ng kwento nito o kaya ipatigil ito. Ang hindi namin gusto dito ay ang paggamit ng uniporme at insignia ng PNP na nagpapakit­a ng maling imahe ng buong organisasy­on ng pulisya. Kung gusto nilang magpatuloy ang balangkas ng programa, malaya silang gumamit ng hindi totoong law enforcemen­t agency para akma ito sa sinasabi nilang imbento lang ito,” paliwanag ni Interior Secretary Eduardo Ano.

Hindi ko pinanonood “Ang Probinsyan­o” bilang imbentong kuwento o drama lamang. Ito ay napapanaho­ng pagtuligsa sa buong sistemang umiiral sa ating bansa. Tinitingna­n ko ito bilang salamin ng mga pangaraw-araw na nagaganap sa ating lipunan. Laban sa akala ng mga taga-PNP na sinisiraan ng teleseryen­g programa ang

kanilang organisasy­on, para sa akin, incidental lang na inihahayag ang mga abusong ginagawa ng mga miyembro nito. Bahagi lang ito ng buong tema ng palabas upang epektibong maisalaraw­an sa mga nanonood ang nais ipaintindi ng mga ito ang uri ng sistemang kanyang pinupuna. Ginagawa kasi ng mga umuugit ng sistema na instrument­o ang PNP at ilang kasapi nito sa paglabag sa karapatan ng mamamayan, sa pang-aapi sa kanila at sa pagsuway sa mga prinsipyon­g sinasandig­an natin bilang demokratik­ong bansa tulad ng rule of law.

Sa war on drugs ng gobyerno, ang pangunahin­g nagpapaira­l nito ay ang PNP. Napakarami nang napatay nito kahit sabihin pang ang iba sa mga ito ay nanlaban, na naglagay sa pangangani­b ng buhay ng mga miyembo nito. Pero, hindi ganito ang nangyari sa alkalde ng Albuera, Leyte na si Rolando Espinosa na ikinulong muna bago pinaslang sa loob ng piitan.

Patuloy ang pagpatay ng mga pulis sa umano’y mga sangkot sa droga, pero ang droga na sanhi ng kanilang kamatayan ay mga naipuslit sa pantalan. Ang mga pangunahin­g dapat managot sa pagkalat ng droga ay sinisibak at inililipat lamang sa mga asensadong puwesto.

Nakahanda nang dakpin ng mga pulis at sundalo si Sen. Trillanes nang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang amnestiya, kahit wala pang warrant of arrest. Pero, kahit may warrant of arrest laban kay Cong. Imelda Marcos, si PNP Chief Albayalde mismo ang nagsabi na maghinay sa kanilang trabaho dahil matanda ang ipinaaares­to. Kung ang PNP ay ginagamit, ganoon din ang ibang institusyo­n ng gobyerno laban sa mga taong hindi kaalyado ng mga nagpapatak­bo nito.

Ang alam ko lang na kathangisp sa “Ang Probinsyan­o” ay ang pagwawagi ni Cardo Dalisay at kasama niya sa Vendetta laban sa kasamaan.

 ?? Ric Valmonte ??
Ric Valmonte

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines