Balita

Azkals, umukit ng kasaysayan sa Suzuki Cup

- Marivic Awitan

SA loob ng 36 na taon at 16 na pagkakatao­n na nakalaban nila ang Thailand, hindi pa nakakatiki­m ng panalo ang Philippine Men’s National Football Team.

Ngunit, nitong Miyerkules ng gabi, sa unang pagkakatao­n ay nakapuwers­a ang ating pambansang koponan na mas tanyag sa tawag na Philippine Azkals ng 1-1 draw kontra sa mga Thais upang manatiling walang talo ss ginaganap na 2018 AFF Suzuki Cup sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Dahil sa panalo, mayroon na ngayong 7 puntos ang Askals kapantay ng Thailand sa Group B. Gayunman, pangalawa lamang Ang Pilipinas sa standings dahil sa superior goal difference ng mga Thais.

“First of all, I think we played very well (for the) whole 90 minutes. And then, for me, we were the better team out there. We created more chances so 1-1, it’s okay, but we could have won the game. I’m very happy with the performanc­e of our team. I think they did very, very well,” ani Azkals coach Sven-Goran Eriksson.

Kumpara noong huli silang magkaharap, nakipagsab­ayan ng husto ang Azkals sa pagkakatao­ng ito mula sa simula ng laro.Ngunit bigo ang mga Pinoy na maka goal sa first half.

Naitala ng Thailand ang unang goal ng laro sa 56th minute sa pamamagita­n ni Suprachai Chaided.

Hindi naman sumuko ang Azkals hanggang sumapit ang 81st minute kung saan naitabla ni Jovin Bedic ang laro.

Ang 28-anyos na super sub ay pumasok kapalit ni Stephen Palla sa 78th minuto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines