Balita

Mendoza at Reyes, wagi sa Go For Gold road race trials

-

LIAN, BATANGAS – Hatawan sa huling 10 metro sina Marcryan Mendoza at Efren Reyes Jr. sa junior category na pinagwagih­an ng una, habang naisantabi ni Aljim Martin ang naganap na insidente para manalo sa youth division ng Philcyclin­g-Go For Gold National Junior and Youth Trials nitong Huwebes dito.

Naungusan ng 17-anyos na si Mendoza, second-generation rider ng pamilya, si Reyes sa huling ratsadahan ng 78-kilometer race na nagsimula at nagtapos sa Barangay Binubusan.

Nagawa namang makabawi ni Martin mula sa maagang pagkakasad­sad may limang kilometero ang tinatakbo sa kanilang 40-km race tungo sa panalo halos dalawang minuto ang bentahe sa mga karibal.

“Malaking grupo ang nilagpasan ko pero hindi sila nag-react, kaya tinuloy-tuloy ko na hanggang dulo,’’ pahayag ng 15-anyos na si Martin.

Naitala ni Martin, pinsan ni veteran rider Ronald Oranza, ang dalawang minuto at 18.59 segundo na kalamangan kontra kina Josue Albert Decuzar at John Paul Laureta at mahigit tatlong minuto kontra fourth-placer Marc Van Louie Baluyut.

Bunsod ng panalo, naiganti ni Mendoza, anak ni profession­al rider Ryan, ang kabiguan natamo kay Rex Krog bunsod nang maling diskarte ni Reyes sa Tour de Matabungay sa nakalipas na buwan.

``Hindi ko naman iniisip ‘yung rivalry. Gusto ko lang maging parte ng national team,’’ sambit ni Mendoza.

Pangatlo si Go For Gold’s Ean Cajucom sa juniors class, may 1:51 ang lay kina Mendoza at Reyes, habang nakabuntot sina Rench Michael Bondoc at Dave Clarence Cortez.

Isinasagaw­a ang karera bilang bahagi sa malawakan tryouts para sa binubuong national Junior cycling team.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines