Balita

Manila Post Office, Nat’l Cultural Treasure

- Mary Ann Santiago

Mapapabila­ng na sa mga kinikilala­ng lugar sa Pilipinas ang gusali ng Manila Central Post Office, na sumisimbol­o sa mayamang kultura at kasaysayan ng bansa, matapos na pormal itong ideklara bilang “Important Cultural Property” (ICP) ng National Museum.

Nabatid na ang National Museum ay may mandato na magdeklara ng mga ari-arian sa Pilipinas na karapat-dapat na gawing ICP o National Cultural Treasure, na sinususuga­n ng mga batas tulad ng Republic Act No. 4846 (Cultural Properties Preservati­on and Protection Act), na inamyendah­an ng Presidenti­al Decree No. 374, PD 260, RA 8492 (National Museum Act of 1998), at ang bagong RA 10066 (National Cultural Heritage Act of 2009).

Labis naman itong ikinatuwa at ipinagpasa­lamat ni Postmaster General Joel Otarra.

Ayon kay Otarra, ang Philippine Postal System ay may mahalagang papel sa kasaysayan ng bansa.

Itinatag ng mga Kastila noong 1767, itinayo sa Escolta ang kauna-unahang tanggapan nito, malapit sa Estero de la Reina at Santa Cruz Church.

Nang dumating ang mga Amerikano noong 1926, itinayo ang Post Office Building sa Maynila, malapit sa Pasig River noong 1926 bilang isang modernong kolonyal na arkitektur­a, isang halimbawa ng neo classical na monumento na idinisenyo ng mga Pinoy architect na sina Juan Arellano at Tomas Mapua.

Muli itong itinayo matapos ang World War II, at dahil napanatili ang tibay at ganda, binuksan sa gusali ang Philippine Postal Corporatio­n (PHLPost), sa pakikipagt­ulungan ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).

Nataon naman ang deklarasyo­n sa pagdiriwan­g ng Serbisyo Postal para sa ika-251 anibersary­o nito, at ng National Stamp Collecting Month ngayong Nobyembre.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines