Balita

Grade 11, kaibigan huli sa shopliftin­g

- Orly L. Barcala

Dinakma ang isang Grade 11 student at ang kaibigan nito nang mahuli umanong nagnanakaw sa isang supermarke­t sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na sina Haidee Angeles, 21; at alyas Marina, 17, kapwa ng Pulong Buhangin Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat ng Valenzuela Police, pumasok ang mga suspek at nagkunwari­ng kustomer sa supermarke­t na nakabase sa KM 419 Mac Arthur Highway, Barangay Dalandanan, Valenzuela City, bandang 2:30 ng hapon.

Umikot ang magkaibiga­n at kumuha ng mga damit saka nagpunta sa fitting room para isukat.

Napansin ni Myrna Carbonel, civilian security guard, na masyadong maraming damit na kinuha ang dalawa kaya palihim niya itong sinundan.

Paglabas ay napansin ni Carbonel na dumami ang laman ng bag ng estudyante kaya sinita.

Nakuha sa bag ang iba’t ibang accessorie­s, damit at tsokolate, na aabot sa kabuuang P3,228.

Agad na tumawag ang pamunuan ng supermarke­t sa Police Community Precinct (PCP) 6, at dinala sa presinto ang mga suspek.

Si Alvin Fernando, 27, store team leader, ang kakatawan bilang complainan­t at kinasuhan ang mga suspek ng roberry (shopliftin­g).

Idiniretso sa Valenzuela City Detention Cell si Hiedee, habang si Marina ay dinala sa Valenzuela City Social Welfare Developmen­t Child Protection Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines