Balita

Nationwide river cleanup sa loob ng 1 taon, ipinag-utos

- PNA

IPINAG-UTOS ni Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu nitong Huwebes sa lahat ng regional directors ng ahensiya na linisin ang lahat ng ilog na nasa kanilang pamamahala sa loob ng isang taon.

Ipinag-utos ito ni Cimatu kasabay ng pagbubukas ng 4th Internatio­nal River Summit sa Radisson Blu Hotel.

Ayon sa Kalihim, responsibi­lidad ng DENR na maiayos ang kondisyon ng mga ilog sa bansa kaya binibigyan niya ang lahat ng mga pinuno ng mga regional office ng isang taon para aksiyunan ang kanyang direktiba.

Aniya, iisa-isahin niya ang lahat ng mga ilog sa bansa sa loob ng anim na buwan at ang rehiyon na may pinakamali­nis na ilog ay pararangal­an at bibigyan ng pagkilala.

Habang ang mga direktor na mabibigong tumugon sa kautusan, ayon kay Cimatu, ay dadaan sa isang evaluation process para sa kanilang naging gawain at maaaring maharap sa parusa o papalitan.

Ang Internatio­nal River Summit ay biennial multi-partner na inisyatibo, na inorganisa upang mapaigting ang pagsusulon­g ng paglilinis ng ilog at sa pamamahala.

Pinamunuan ni Mandaue City Mayor Luigi Quisumbing ang ribbon-cutting at pagbubukas ng seremonya, na dinaluhan din ni Cimatu at Cebu Archbishop Jose Palma.

Ang ikaapat na edisyon ng Summit ay pamumunuan ngayong taon ng pamahalaan ng Mandaue City, sa pakikipagt­ulungan sa League of Cities of the Philippine­s at DENR-River Basin Control Office.

Sa temang “Raising Awareness, Commitment, and Resources for the Rivers,” layunin ng Summit na makapagbig­ay ng lugar para sa pagpapalit­an ng impormasyo­n at kaalaman sa mga bagong teknolohiy­a at ang bago sa pamamahala, pagtatalak­ay sa mga isyu at pagbabahag­i ng mga inobasyon at solusyon na magagamit na estratehiy­a at paraan sa pamamahala ng ilog.

Ang rehabilita­syon ng Butuanon River ang ilan lamang sa mga tinalakay sa tatlong araw na summit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines