Balita

8 sa 10 Pinoy, nais igiit ang soberanya at karapatan ng PH sa WPS

- Bert de Guzman

MULI, kung naniniwala kayo sa survey, may 84% ng mga Pilipino ang nagsasabin­g dapat kumibo, magsalita, at igiit ng Duterte administra­tion na pagaari at saklaw ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ) ang mga reef na inookupaha­n ngayon ng dambuhalan­g China.

Batay sa ginawang survey ng Social Weather Stations (SWS), walo sa 10 Pilipino ang nagsasabin­g dapat sabihin ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) kay Chinese Pres. Xi Jinping na talagang atin ang mga reef at shoal na okupado nila ngayon. Isipin na lang na itinataboy ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisd­ang Pinoy sa mga lugar na dati nilang pinangingi­sdaan sa loob ng daan-daang taon.

Sa SWS survey, lumilitaw na mataas pa rin ang kumpiyansa at paniniwala ng mga mamamayan sa US kumpara sa China. Nagtataka lang ang mga Pinoy kung bakit parang hindi ito iniintindi ni PRRD gayong malimit niyang sabihin na ang kagustuhan at kagalingan ng sambayanan­g Pilipino ang kanyang nasa isip at puso bilang presidente ng Pilipinas.

Sinabi nina Sen. Risa Hontiveros at ex-Solicitor General Florin Hilbay na dapat pakinggan ng administra­yong Duterte ang general sentiment ng ating mga kababayan na ipagtanggo­l ang ating soberanya at territoria­l rights sa West Philippine Sea. Kung talagang kaibigan daw ni PDu30 si Pres. Xi, tiyak na pakikingga­n at pagbibigya­n siya nito.

Hindi sila kumporme sa laging sinasabi ng ating Pangulo na hindi natin kayang makipaglab­an sa China dahil mahina ang ating militar. Ang nais ng mga mamamayan ay ihayag ng Pangulo na atin ang mga teritoryo sa WPS, magprotest­a ang gobyerno upang malaman ng mga bansa sa mundo na iginigiit natin ang mga karapatan sa karagatan. Hindi nangangahu­lugan na ang protesta ay pakikipagg­iyera.

oOo

Tiniyak ng Malacañang na hindi darakpin ang National Democratic Front (NDF) negotiator­s na sina Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni kapag sila’y bumalik sa Pilipinas upang makipag-usap ng kapayapaan sa pamahalaan­g Duterte.

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo, walang batayan ang pangamba ni Jalandoni na aarestuhin ito pagdating sa bansa. Kinansela ng communist negotiator­s ang planong biyahe sa ‘Pinas na ang layunin ay maisulong ang natigil na usapang-pangkapaya­paan.

Ayon kay Jalandoni, ang biyahe niya at ni Agcaoili ay hindi na matutuloy dahil sa pahayag ni Department of Interior ang Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na ipaaaresto ang dalawa maliban lang kung iuutos ni PRRD na huwag silang dakpin. Iginiit ni Panelo na ang pangamba ni NDF leader Luis Jalandoni na siya’y darakpin pagdating sa Pinas ay “misplaced”.

oOo

Pinagtibay ng Kamara noong Martes ang panukalang P3.757trilyon pambansang budget para sa 2019.

Sa hanay ng mga mahistrado ng Korte Suprema, si SC Associate Justice Francis Jardeleza ang pinakamaya­man samantalan­g si Associate Justice Leonen ang pinakamahi­rap.

Batay sa summary ng 2017 Statements of Assets, Liabilitie­s and Networth (SALN), si Jardeleza ay may networth na P261,076,233.24, samantalan­g si Leonon ay may networth na P2,964,314.57.

Sino naman kaya ang pinakamaya­man sa Kamara at sa Senado?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines