Balita

Sharon at Richard, may pressure sa pakikipagt­rabaho kay Kathryn

- Ni DINDO M. BALARES Ka

TIYAK na malaking hamon at may pressure kina Sharon Cuneta at Richard Gomez ang P810 million na kinita ng The Hows of Us, ang pinanggali­ngang super blockbuste­r movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bago isinama sa kanilang reunion movie na Three Words to Forever ang dalaga -- minus ang kalahati ng KathNiel love team.

Sa marketing equation, sina Sharon at Richard ang maituturin­g na kapalit ni Daniel lalo na’t relatively newcomer pa lamang ang ipinareha kay Kathryn na si Tommy Esguerra.

Ito ang unang pelikula ni Kathryn na napahiwala­y siya kay Daniel simula nang mapasali sa big league ang KathNiel. Sina Kathryn at Daniel ang may hawak ng record bilang highest grosser sa local movie industry. Sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina, ipapalabas na next week ang Three Words to Forever.

Gaganap sina Richard at Sharon bilang nagkakalab­uan nang mag-asawa pagkaraang ng 25 taong pagsasama. Nagdesisyo­n na silang maghiwalay pero mauudlot ito sa pag-uwi ng kanilang anak na si Tin (Kathryn) kasama ang boyfriend na si Kyle (Tommy). Nagbabalak na ring lumagay sa tahimik sina Tin at Kyle na naitaon pa sa paparating na 55th wedding anniversar­y renewal ceremony ng parents ni Cristy (Sharon) na ginagampan­an nina Freddie Webb

at Liza Lorena).

Magkukunwa­ri sina Cristy at Rick (Richard) na maayos pa ang pagsasama nila na umabot sa pagkakasun­dong i-celebrate din nila ang kanilang

25th anniversar­y, dahil sa pressure na magkaroon ng triple family celebratio­n

Pero habang papalapit ang big day, magiging kumplikado ang mga sitwasyon dahil mauungkat ang mga isyu na iniiwasan ng bawat isa sa kanila.

Mahilig sa family drama ang Filipino moviegoers, lalo na ang pagtalakay sa mga paghamon na kinakahara­p ng mag asawa pamilya o ng magpaano ito mapapanati­ling matatag.

Ang mga banta sa buong pamilya ang madalas na ginagamit na formula sa maraming TV series na kinagigili­wan ng televiewer­s. Lagi ngayong naabangan ang Halik dahil sa ganitong tema. Matatandaa­n na ganito rin ang paksa ng kinalokoha­n ding Ika-6 na Utos.

Makapamily­a pa rin ang mga Pilipino, at kung magugustuh­an ng moviegoers ang pagkukwent­o ni Direk Cathy sa Three Words to Forever lalo na kung paano malulutas ang mga kumplikado­ng sitwasyon sa pamilyang ipapakilal­a niya sa pelikula, saka lang maiibsan ang pressure kina Sharon at Richard bilang bagong co-stars ni Kathryn.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines