Balita

Warriors, nagising sa pagkalugmo­k

-

OAKLAND, California (AP) — Natuldukan ang pagsadsag ng Golden State Warriors sa araw na nalagay sa panganib ang buhay ng kanilang star player na Steph Curry para maibalik ang init at kumpiyansa ng defending champion sa apamamagit­an ng dominanten­g 125-97 panalo kontra Portland Trail Blazers nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Hataw si Kevin Durant sa naiskor na 32 puntos, habang nagsalansa­n si Klay Thompson ng 31 puntos para tapusin ang pinakamasa­klap na losing skid ng prangkisa mula noong 2013 sa apat.

Nasangkot sa vehicular accident si Curry nang bangain ng dalawang kotse sa highway, ngunit ligtas ito at walang mapanganib na injury, ayon sa ulat ng Warriors management.

Hindi pa nakalalaro ang two-time MVP dahil sa strained left groin, gayundin ang kasanggang All-Star na si Draymond Green dahil sa pamamaga ng hinlalaki sa kanang paa.

Nanguna sa Blazers si Jusuf Nurkic na may 22 puntos.

CAVALIERS 121, SIXERS 112

Sa Philadelph­ia, nagtumpok ng 19 puntos, kabilang ng 14 sa final period si Filipino-American Jordan Clarkson para sandigan ang Cleveland Cavaliers kontra Sixers.

Nag-ambag si Rodney Hood ng 25 puntos para dungisan ang dating imakuladan­g 10-0 home game record ng Sixers.

Nanguna si Joel Embiid sa Sixers sa naiskor na 24 puntos at 12 rebounds , habang kumana sina J.J. Redick ng 23 puntos at tumipa sina Ben Simmons at Jimmy Butler ng tig-22 puntos.

PISTONS 116, ROCKETS 111OT

Sa Detroit, ginapi ng Pistons, sa pangunguna ni Reggie Jackson na tumipa ng 22 puntos, ang Houston Rockets sa overtime.

Hataw din sina Blake Griffin at Andre Drummond sa naiskor na 28 at 23 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Nanguna sa Rockets si James Harden na may 33 puntos, habang kumana si Clint Capela ng 29 puntos at 21 rebounds.

Sa iba pang laro, pinataob ng Boston Celtics ang Atlanta Hawks, 114-96; nginata g Toronto Raptors ang Washington Wizards, 125-107; at tinusta ng Miami Heat ang Chicago Bulls, 103-96.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines