Balita

Phil, nakalusot kay Tiger sa ‘One-on-One’

-

LAS VEGAS (AP) – Tulad ng inaasahan, kapana-panabik at dramatiko ang pay-perview duel sa pagitan nina Phil Mickelson at Tiger Woods – dalawa sa pinakamati­kas na golfer sa kanilang henerasyon at sa kasalukuya­n – na pinagwagih­an ng tinagurian­g ‘The Lefty’.

Sa gitna ng dilim kung saan inilawan na lamang ang green, naisalpak ni Mickelson ang 4-foot birdie putt sa par 3 ng Shadow Creek Golf Club para magapi si Woods sa ika-22 hole at maiuwi ang $US9 milyon premyo.

“Just know I will never let you live that down. It’s not the Masters or the US Open, but it is nice to have a little something on you,” pahayag ni Mickelson matapos ang laban.

Tangan ni Mickelson ang 1 up na bentahe matapos ang 16 holes, ngunit naitabla ni Woods ang laban sa kahanga-hangang birdie mula sa gilid ng green ng par-3 17th. Kapwa nag-birdie ang dalawa sa final hole par-5 at nag-parred sa unang playoff hole. Nagbalik ang dalawa sa Par-3 No.17 ng tatlong ulit bago naisara ni Mickelson ang laban.

“You couldn’t have made this event any better than it was,” pahayag ni Woods.”It was back and forth and very competitiv­e on a golf course that was playing on the tricky side.”

Kabuuang 700 ang inimbitaha­n para makasaksi sa laban na ginawa bilang kaunaunaha­ng pay-per-view broadcast sa golf. Ngunit, nagkaroon ng isyu sa broadcast sa ilang viewers na nagbayad ng $US19.95.

Wala pang pormal na pahayag hingil sa isyu ang Turner TV.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines