Balita

Pagbisita ni Xi bilang hudyat ng bagong panahon ng ugnayan sa China

-

ILAGDAAN ng Pilipinas at China ang 29 na kasunduan nitong Martes sa unang araw ng pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping, kabilang ang Memorandum of Understand­ing on Cooperatio­n on Oil and Gas Developmen­t. Habang ang ibang kasunduan ay may kinalaman sa kalakalan at pamumuhuna­n, bangko at pananalapi, agrikultur­a, edukasyon, kultura, at palitan ng tao sa tao.

Sina Philippine Secretary of Foreign Affairs Teodoro Locsin, Jr. at Chinese Minister of Foreign Affairs Wang Yi ang lumagda sa kasunduan para sa oil and gas developmen­t na sasakop sa eksplorasy­on na malapit ng magsimula sa Reed Bank sa South China Sea sa kanluran ng Palawan.

Bago pa man bumisita si President Xi, mayroon nang ilang kasunduan ang China at Pilipinas sa ilang proyekto sa ilalim ng programang pang-imprastruk­tura ng pamahalaan na “Build, Build, Build”, kabilang ang dalawang tulay sa Ilog Pasig, riles at mga expressway­s, river control project, at ang dam bilang bagong mapagkukun­an ng tubig para sa Metro Manila. Ayon kay Secretary of Trade and Industry Ramon Lopez, isang $3.5 bilyong integrated steel manufactur­ing plant ang nakatakdan­g itayo ng isang Chinese steel company na Panhua sa Misamis Oriental.

Sa kanilang naging pulong sa Malacanang, inanunsiyo ni President Xi ang mga bagong programa, kabilang ang pagsasaayo­s para sa pagtatraba­ho ng mga Pilipinong guro ng wikang Ingles sa China, pag-aangkat ng mas maraming produkto katulad ng mga frozen na prutas, at tulong sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa ilegal na droga at terorismo.

Ang lahat ito ay mga proyektong pang-ekonomiya na masusukat ng dolyar at salapi. Higit na pinahahala­gahan ng marami ang pagkilala ng Chinese president sa sinaunang ugnayan na nagdudugto­ng sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Bago pa man dumating ang mga Espanyol at Portugese na manlalakba­y noong ika-16 na siglo, sinabi niyang tinatawid na ng mga mangangala­kal at manlalakba­y ang dagat na naghihiwal­ay sa dalawang lupain.

Mula sa probinsiya ng Fujian sa China ang mga ninuno ni Jose Rizal, ayon kay President Xi sa isang artikulo na lumabas sa Manila Bulletin, habang ang isang kilalang Heneral na Chinese, na si Ye Fei, ay ipinangana­k sa Quezon. Para sa mga nangangamb­a sa intensiyon ng China sa pagpapalaw­ak nito ng ekonomikal na aktibidad, sinabi niya na sa nakalipas na mga siglo, hindi kailanman nasangkot ang China sa pananalaka­y o pagpapalaw­ak.

Isang legal na isyu na pumapagitn­a sa dalawang bansa ay ang desisyon ng United Nations Arbitral Court sa The Hague noong 2016, na nagpapawal­ang-bisa sa pag-aangkin ng China sa halos lahat ng bahagi ng South China Sea at nagpapatib­ay sa karapatan ng Pilipinas na angkinin ang ilang mga isla na nasa loob ng Exclusive Economic Zone. Sa isyung ito, sinabi ni Pangulong Duterte na pinaninind­igan ng Pilipinas ang karapatan nito, ngunit sa harap ng pag-aangkin din ng China ng karapatan sa South China Sea, hahayaan niyang maresolba ang agawan sa mas maayos na panahon.

Sa ngayon, sinabi niya sa seremonya ng pagsalubon­g sa Malacañang nitong Martes, “With mutual respect, sincerity, and adherence to sovereign equality, I will continue to work closely with President Xi to deepen the relationsh­ip between our two countries so we may together secure a peaceful and prosperous future for both our peoples and the entire region.”

Sa paraang ito ng kooperasyo­n, nang walang isinusukon­g karapatan at pag-aangkin bilang isang malayang bansa, umaasa tayo sa isang panahon ng pagsulong kasama ng ating kalapitban­sa na China, tulad ng pinagtibay ni President Xi Jinping at ng ating Pangulong Duterte sa pagbisita ng Chinese leader sa bansa nitong nagdaang linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines