Balita

PAGDALO NI NORA, ‘DI PA RIN SURE

Rayver, isa sa best men sa wedding ni Lotlot

- Ni NORA V. CALDERON

SINAMANTAL­A na ng mga bumisitang press sa set ng Asawa Ko Karibal Ko na makakuha ng update mula kay Lotlot de Leon, isa sa cast ng top Afternoon Prime teleserye ng GMA, tungkol sa nalalapit niyang kasal next month.

Hindi naman nagkait ng details si Lotlot, na ikakasal sa Lebanese fiancé niyang si Fadi El Soury sa December 17.

“Ninenerbyo­s ako talaga dahil nang una akong ikasal (kay Ramon Christophe­r

Gutierrez), wala akong kinalaman doon,” natatawang pag-amin ni Lotlot. “Parang umattend lang ako sa kasal. Bata pa kami noon ni Monching. Pero this time ako lahat, mula sa invitation­s, giveaways, venue, sa damit at kung anu-ano pa, ako talaga.”

Sa isang beach resort sa Batangas ang wedding nina Lotlot at Fadi sa December 17, at ang only son niyang si Diego ang maghahatid sa kanya sa altar. Maids of honor niya ang tatlong anak na sina Janine, Jessica at Maxine, at ang kapatid na si Matet de Leon—na hindi pumayag na hindi siya kasama sa maids of honor.

Ang brothers niyang sina Ian, Kiko

at Kenneth de

Leon at ang best friend ni Fadi ang groomsmen. Bridesmaid­s naman ni Lotlot ang three biological sisters niya na darating mula sa Amerika. Hindi nga lang makararati­ng ang American father niya, si Donald Lee

Olson, dahil hindi ito pupuwedeng magbiyahe nang malayo matapos na operahan sa likod.

Pero wish ni Lotlot na dumating ang kanyang Mama Guy (Nora Aunor), bagamat sure na darating ang kanyang Daddy Christophe­r de Leon, na excited na sa muling pagpapakas­al ng eldest daughter nito. Kasama ni Boyet ang buong family niya sa pagdalo sa wedding ni Lotlot.

“Modern rustic ang theme ng garden wedding, civil wedding ceremony, so isang government official ang magkakasal sa amin. Hindi pa ako nakikipag-usap sa puwedeng magkasal sa amin,” kuwento ni Lotlot.

May nag-suggest na bakit since sa Batangas sila, hindi niya kausapin si Congresswo­man Vilma Santos, para ito na lang ang magkasal sa kanila. Biniro tuloy si Lotlot na kung ang aktres na kongresist­a ang magkakasal sa kanila at darating si Mama Guy niya ay kumpleto na ang kasal niya, may Nora na may Vilma pa!

Biniro rin si Lotlot kung may participat­ion ba sa kasal si Rayver Cruz, na sinasabing boyfriend ng anak niyang si Janine. Magkasama sa Asawa Ko, Karibal Ko sina Lotlot at Rayver. At inamin ni Lotlot na isa si Rayver sa mga best men.

Sa teleserye, gumaganap si Lotlot bilang si Lupita, ang mabait na ina ni Rachel, played by Kris Bernal, na love interest naman ni Rayver. Napapanood ang Asawa Ko, Karibal Ko from Mondays to Saturdays, after Eat Bulaga.

 ??  ?? Fadi at Lotlot
Fadi at Lotlot

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines