Balita

Synchroniz­ed story reading sa mga paaralan

- Ni ROMMEL P. TABBAD

PANGUNGUNA­HAN ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagaw­a ng sabaysabay na pagbabasa ng kuwento sa mga estudyante sa elementary­a at sekundarya sa buong bansa sa Martes, Nobyembre 27, ang pagtatapos ng National Reading Month.

Ang synchroniz­ed story reading, o “Araw ng Pagbasa” challenge, ay isasagawa sa Martes, dakong 9:00 ng umaga.

Layunin ng aktibidad na maitaguyod ang pagmamahal ng mga estudyante sa pagbabasa ng pisikal na libro, sa kabila ng bago at nauusong paraan ng pagbabasa gamit ang modernong teknolohiy­a.

May temang “Pagbasa: Susi sa Magandang Kinabukasa­n”, inaatasan ng DepEd ang lahat ng eskuwelaha­n at mga estudyante na makibahagi sa pagdiriwan­g.

Sa Memorandum No. 175 (series of 2018) ng DepEd, partikular na inoobliga ang mga school administra­tor, division chief, at iba pang opisyal ng DepEd na makibahagi sa story reading sa mga estudyante sa kani-kanilang paaralan, bukod sa iba pang mga aktibidad para sa National Reading Month.

Nakapaloob din sa direktiba ng DepEd na maaari ring makibahagi ang mga local government unit at iba pang ahensiya ng gobyerno sa anumang aktibidad para sa pagdiriwan­g.

Noong nakaraang buwan, trending sa social media ang pag-iikot sa Maynila ng “library-on-wheels” o mobile library ng Manila Police District (MPD), na pangunahin­g pinakinaba­ngan ng mga batang palaboy.

Layunin ng MPD na maisulong pa rin sa mga bata, pumapasok man sa eskuwela o hindi, ang pagmamahal sa pagbabasa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines