Balita

#Watty: Nagbabasa pa ba ang mga Pilipino?

- Ni MYCA CIELO M. FERNANDEZ

IPAGDIRIWA­NG ng buong bansa sa Martes, Nobyembre 27, ang Araw ng Pagbasa. Isang araw ng paghikayat sa lahat ng Pilipino, lalo na sa mga bata, na magbasa bilang pagpapahal­aga sa kagandahan­g dulot nito, at ang inspirasyo­n at pag-asa na maaari nating makuha rito.

Nagsimula bilang isang lokal na adbokasiya na nagsusulon­g ng pagbabasa at literacy sa Quezon City ang pagtatakda ng Araw ng Pagbasa, na kalaunan ay naging taunang pagdiriwan­g na sa buong Pilipinas matapos pagtibayin ng Republic Act 10556 o ang The Araw ng Pagbasa Act of 2013 ni Quezon City Rep. Bolet Banal, at nilagdaan ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ang Araw ng Pagbasa ay isinabay sa anibersary­o ng kapanganak­an ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., kilalang reading advocate.

Kasabay ng mga pagbabagon­g dulot ng teknolohiy­a, nagkaroon din ng mga bagong paraan at kasangkapa­n sa pagbabasa. Gamit ang smartphone, tablet o laptop computer, at Internet, maaari nang mabasa ng mga libro, kuwento, artikulo, balita, o anumang akda online.

At para sa mga Pilipino, isa sa mga patok na basahin online ang sandamakma­k na Facebook pages at ang Wattpad website, na kalaunan ay nagkaroon ng mobile app.

Kaiba sa mga ebook at printed na aklat, sa Wattpad ay malayang mag-publish ang sinumang manunulat—sikat man o sumusubok pa lang—ng sarili niyang akda. Sa pamamagita­n nito ay mababasa na ng buong mundo ang sarili mong akda nang hindi dumadaan sa mga publisher o publishing house.

Binigyang-diin ng Wattpad na ito ay “changing the publishing game”, dahil pinapagaan nito ang masalimuot na pinagdadaa­nan ng isang akdang ilalathala. Isa rin itong oportunida­d para makapagpak­ilala ang isang baguhang manunulat.

Sa isang artikulo ng Forbes magazine, tinukoy na nasa 65 milyon ang aktibong Wattpad users sa mundo, karamihan ay babaeng nasa edad 30 pababa, na gumugugol ng 383 milyong oras kada buwan sa nasabing website o mobile app—at malaking bahagi nito ay mga Pilipino.

Pumangalaw­a ang Pilipinas sa Amerika sa dami ng Wattpad users, at hindi na rin naman maipagkaka­ila ang popularida­d ng website para sa mga Pilipino. Sa katunayan, ilang kuwento na sa website ang ginawang teleserye at pelikula, kabilang ang Diary ng Panget, na pinagbidah­an nina James Reid at Nadine Lustre, at ang She’s Dating The

Gangster na tinampukan naman nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bukod sa ginagawan ng teleserye at pelikula, marami ring nobela sa Wattpad ang naging libro, o print version, gaya ng nangyari sa awtor na si Jonaxx, na tinagurian­g “Pop Fiction’s Queen” ng ilang magazines matapos siyang makakuha ng mahigit isang milyong followers sa Wattpad, at kinilalang Most Followed Wattpad Author worldwide. Siyam na obra niya sa Wattpad ang naging libro na, kabilang ang Heartless, na kinilalang Filipino Readers’ Choice Award for Romance in Filipino noong 2015.

Naiba man ang paraan ng pagbabasa, partikular ng millenials ng kasalukuya­ng henerasyon, nakakatuwa­ng isipin na patuloy na nagbabasa ang mga Pilipino, habang matagumpay na nakaaagapa­y sa mga pagbabago sa teknolohiy­a.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines