Balita

VP Leni, nabahala sa deklarasyo­n ng ‘lawless violence’

- Ni Raymund F. Antonio

Bagamat hindi tinututula­n ni Vice President Leni Robredo ang pagpapadal­a ng dagdag na mga sundalo at pulis sa Bicol region, sinabi niya na kailangang linawin ng pamahalaan ang parameters laban sa “lawless violence”.

Ito ang naging komento kahapon ni Robredo matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapadal­a ng dagdag na tropa ng pamahalaan sa rehiyon niya at sa Samar, Negros Oriental at Negros Occidental dahil sa “lawless violence” sa nabanggit na mga lugar.

“Wala tayong objection sa pagaugment, very welcome ‘yun na balita na i-augment ‘yung ating kapulisan ng mga miyembro ng AFP (Armed Forces of the Philippine­s), pero marami kasing distrust,” sinabi ni Robredo sa kanyang radio show, ang “BISErbisyo­ng Leni.”

Ipinunto ng Bise Presidente ang pangamba ng publiko sa kautusan lalo dahil ang “lawless violence” ay isa ring basehan ng pagdedekla­ra ng Pangulo ng martial law.

“The objective is not clear. Many people are afraid on the term lawless violence because it could be used as a platform for martial law declaratio­n,” pahayag niya.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Order No. 32, sa utos ng Pangulo, para sa pagpapadal­a ng dagdag na sundalo at pulis sa Bicol at sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas “[to] suppress lawless violence and acts of terror”.

Sa kabila nito, iginiit ni Robredo na hindi sapat na tugunan ang insurgency problem ng bansa.

“Hindi sapat na parang response ‘yung pagdeklara na may lawless violence. Tama na i-augment pero tingin ko pag-augment isa lang paraan na makakatulo­ng,” aniya.

“Mas dapat sagutin bakit in the last two years tumindi na naman insurgency. Iyon ang mas kailangan tutukan kasi nawala na iyon,” dagdag ni Robredo.

Nitong Sabado, binisita ni Robredo ang mga pulis na sina Roland Hermogeno at Vladimir Guadalupe na nasugatan makaraang tambangan ng mga hinihinala­ng rebelde sa Libmanan, Camarines Sur nitong Nobyembre 17.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines