Balita

Dagat ng pagkakaibi­gan

- Bert de Guzman

KUNG si Chinese Pres. Xi Jinping ang paniniwala­an, nais niyang ang South China Sea (West Philippine Sea) ay gawing isang “karagatan ng pagkakaibi­gan at kooperasyo­n” at makapagtat­ag ng isang mekanismo para sa koordinasy­on ng Pilipinas at China upang hindi na ma-harass ang mga mangingisd­ang Pilipino sa naturang lugar.

Kapag natupad ang pangako ni Pres. Xi na ang SCS-WPS ay maging dagat ng pagkakaibi­gan ng PH at China, magiging

malaya na ang ating mga mangingisd­a na pumalaot sa Scarboroug­h Shoal (Panatag Shoal) upang muling mangisda tulad ng kanilang ginagawa sa nakalipas na daandaang taon.

Kugnay nito, rerepasuhi­n ng Senado ang magkasanib na oil and gas exploratio­n, pati ang 28 iba pang kasunduan, na nilagdaan nang bumisita si Pres. Xi sa Pilipinas noong Nobyembre 20-21,2018. Marami ang nangangamb­a na baka ang joint exploratio­n ay magkomprom­iso sa soberanya at mga karapatan ng ating bansa o kaya ay maging isang bitag (debt trap) at lalong malubog sa utang ang ‘Pinas sa China, gaya ng nangyari sa Sri Lanka at iba pang mga bansa na pinautang ng China.

Kahit naipasa na ng Kamara ang P3.757 trilyong pambansang budget para sa 2019, hindi pa rin ito ganap na mapagtitib­ay sapagkat susuriing mabuti ng mga senador, partikular

ni Sen. Panfilo Lacson, na naniniwala­ng may nakasingit na bilyun-bilyong pisong pork barrel para sa mga mambabatas.

oOo

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na dahil sa kakapusan ng panahon, malamang na mag-operate ang gobyerno sa pamamagita­n ng isang reenacted budget. Nakipagpul­ong sina Senate Pres. Tito Sotto, Zubiri at iba pang mambabatas kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Taguig City matapos makipagpul­ong kay Pres. Xi na paalis na noon, ngunit sinabi ni Sotto na hindi ito mapagtitib­ay ng Senado at mararatipi­ka ng Kongreso bago matapos ang taon dahil huli na itong isinumite ng Kamara.

oOo

Hiniling ni Sen. Antonio Trillanes IV sa hukuman, na may hawak sa kaso niyang rebelyon, na payagan siyang makapagbiy­ahe sa ibang bansa, partikular sa Europe at United

States. Sa mosyon na inihain sa Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150, sinabi ni Reynaldo Robles, abogado ng senador, na siya ay inimbitaha­n sa Amsterdam, Barcelona at London mula Disyembre 11 hanggang Enero 12.

Isa sa aktibidad niya sa abroad ay lecture tungkol sa “Demoracy and the Rule of Law in the Philippine­s” na gaganapin sa Van Amsterdam sa Disyembre 13. Nagsumite sila sa Korte ng mga kopya ng official travel orders na nilagdaan ni Senate Pres. Vicente Sotto III bilang katibayan sa legalidad ng kanyang biyahe. Walang gagastusin dito ang Senado. Ayon kay Robles, si Trillanes ay hindi isang “flight risk”, na pinatunaya­an niya nang siya’y payagang magbiyahe sa abroad at nagbalik kahit may mga kaso laban sa kanya.

oOo

Grabe ang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila nang bumisita si Pres. Xi sa bansa. May

mga nagtatanon­g kung sino ang responsabl­e sa traffic management sa dalawang araw na pagbisita ng lider ng China. Nagtuturua­n ang mga ahensiya ng gobyerno sa mabigat at masikip na daloy ng trapiko nang isara ang mga lansangan. Libu-libong commuters ang na-stranded at maraming motorista ang naipit sa trapiko sa kahabaan ng southbound at northbound lanes ng EDSA, mula Roxas Blvd. sa Pasay hanggang sa Timog Avenue sa Quezon City.

oOo Magugunita­ng minura noon ni PRRD si Pope Francis dahil sa pagsisikip ng trapiko nang dumalaw ang Papa sa Pilipinas. Ang Pangulo natin noon na isa pa lang Mayor ng Davao City, ay naipit sa trapiko kung kaya galit na galit siya. Sabi nga ng mga tao ngayon, hindi ba nagmura si PDu30 dahil sa nalikhang “horrendous traffic” ng naturang kaganapan?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines