Balita

Dimakiling at Arellano, wagi sa Nat’l Rapid Chess

-

NAGWAGI sina Internatio­nal Master (IM) Oliver Dimakiling at Bryle Arellano sa kano-kanilang katunggali para ihatid ang 19th seed Team Breaux sa 2-1 victory kontra sa 13th seed Team Dumadag B sa seventh at final round at maghari sa katatapos na Tagum Fiesta National Open Rapid Chess “Tatluhan” Team Championsh­ips nitong Sabado sa RDR Gym, Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City, Davao del Norte.

Tangan ang itim na piyesa, giniba ni Dimakiling si Grandmaste­r (GM) elect Ronald Dableo sa board one habang pinadapa naman ni Arellano si Laurence Wilfred “Larry” Dumadag sa board two.

Iniligtas naman ni Samson Chiu Chin Lim ang kanyang koponan sa posibleng pagkabokya matapos ibasura si Rocky Pabalan sa board three.

Nakapag poste ang Team Breaux ng 12 match points, iskor ding naitala ng Team JLT Marketing subalit nakopo pa din ng una (Team Breaux) ang overall champion.

Ang Team Breaux ay may superior tie break 14.5 game points kontra sa 13.5 ng Team JLT Marketing.

Ang 22nd seed Team JLT Marketing na binubuo nina Fide Master (FM) Austin Jacob Literatus, Jimmy Dano at Reynaldo De Guzman ay nakapag poste din ng smilar 2-1 victory kontra sa 18th seed Team BM De Veyra A nina National Master (NM) Alexander Lupian, Reynaldo Quinonez at Perkins Bayron sa final canto.

Pinisak ni FM Literatus si NM Lupian sa board one habang kinaldag naman ni De Guzman si Bayron sa board three. Si Quinonez ang kinakitaan na lumaban sa kanyang koponan sa pagbasura kay Dano sa board two.

Ayon kay Fide National Arbiter Joseph Gener “Jojo” Palero na ang Team Breaux at Team BM De Veyra A ay kapwa naka tangap ng tig P75,000 matapos paghatian ang top two prizes sa event na nagsilbing punong abala sina Board Member Alfredo “Fred” De Veyra III at sportsman Homer Rotulo sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Government ng Davao del Norte sa magiting na pamumuno ni governor Anthony del Rosario at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippine­s.

Binokya naman ng 17th seed Team Dumadag A na nirendahan nina Fide Master (FM) David Elorta, John Michael Silvederio at Neymark Digno ang 16th seed Barangay 23 CDO nina National Master (NM) Levi Mercado, Jaime Joshua Frias at Jefte Crebillo, 3-0, para makahabol sa kanilang sister Team Dumadag B.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines