Balita

ESports at jet ski, nakikiisa sa GAB

- Edwin Rollon

PATULOY ang pagdami ng mga sports na kusang nagpapasai­lalim sa superbisyo­n ng Games and Amusement Board.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, binubuksan ng ahensiya ang pintuan sa mga organisasy­on at promoter na nagsasagaw­a ng tournament mula sa martial arts jiu-jiitu, water sports na jetski, at e-Sports dahil sa pagnanais ng mga ito na maging bahagi ng GAB.

“Even a three-point shooting league ay nagsasadya sa amin para humingi ng lisensiya at magpasaila­lim sa GAB supervisio­n. Nakatutuwa­ng isipin na hindi na kailangan pang pagsabihan namin sila. Sila mismo, alam nila na malaking bagay ang magkaroon ng GAB license,” pahayag ni Mitra.

Bilang pro league, bukod sa pagbabayad ng karampatan­g license fee, sumasailal­im din ang mga atleta sa taunang pagbabayad ng kanilang mga lisensya.

“In return, kami sa GAB ay nagbibigay ng libreng medical at drug test sa mga atleta,” aniya.

Iginiit ni Mitra na ikinatutuw­a niya na sa kabila ng kanilang mga katayuan, kagyat na inaamin ng mga naturang liga ang pagiging propesyuna­l at humihingi agad ng lisensya sa GAB.

“Yung iba, kitang-kita nan a peopesyuna­l yung liga nila, ayaw pang umamin at tumatangin­g pasailalim sa amin,” pahayag ni Mitra.

Sa kasalukuya­n, nagsasagaw­a ng sereye ng pakikipag-usap ang GAB sa pamunuan ng MPBL, Philippine Super Liga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL) – tatlong nangunguna­ng liga sa basketball at volleyball na patuloy na ginigiit ang pagiging amateur.

“Mismong si PSC Chairman Butch Ramirez ang nagsabi, na kung tumatangga­p ng sahod ang mga players hindi na ito amateur. Huwag na silang tumaggi ang sana’t makiisa na lang amin. Ang ibabayad naman nila ay hindi napupunta sa GAB, diretso ito sa National Treasury,” pahayag ni Mitra.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines