Balita

Ang patay na balyena ngayon – maaaring tao na sa susunod

-

ISANG patay na sperm whale ang inanod sa baybayin ng Wakatobi National Park sa silangang kanlurang bahagi ng Sulawesi, Indonesia nitong Miyerkules, kasama ng anim na kilong plastic na basura sa tiyan nito—115 plastic cups, apat na plastic bottles, 25 plastic bags, dalawang tsinelas, 3.26 kilo ng tali, at 19 na iba pang uri ng plastic.

Nagdulot ito ng kilabot at pangamba sa mga environmen­talist. Ito ang pinakabago­ng insidente na sangkot ang lumalaking problema sa mga basurang plastic na itinatapon sa mga karagatan ng mundo na nasa malaking bilang ng 1.29 milyong tonelada kada taon.

Limang bansa sa Asya ang may kagagawan ng 60 porsiyento ng plastic na napupunta sa mga karagatan, ayon sa ulat ng environmen­tal campaigner Ocean Conservanc­y at ang Mackinsey Center for Business and Environmen­t noong 2015. Ito ang mga bansa ng China, Indonesia, Pilipinas, Vietnam at Thailand –base sa ranggo.

Noong nakaraang taon, sinabi ng United Nations na nahaharap ang buhay ng mga lamangdaga­t sa “irreparabl­e damage” dulot ng tone-toneladang plastic na basura na napupunta sa mga karagatan ng mundo taun-taon. Isang pilot whale ang natagpuang patay sa katimugang bahagi ng Thailand nitong Hulyo, matapos na makakain ng 80 piraso ng plastic bag.

Ang panganib nito ay hindi lamang limitado sa buhay ng mga lamang-dagat. Isang ulat ang nagsasabin­g natagpuan ang ‘microscopi­c bits’ ng mga plastic sa laman ng mga isda na napupunta bilang pagkain sa mga tao. Isang grupo ng mga Malaysian at French scientists kamakailan ang nakadiskub­re ng 36 na maliit na piraso ng plastic—nylon, polystyren­e, at polyethyle­ne- sa laman ng 120 mackerel, anchovies, mullets at croakers.

Isang pandaigdig­ang hakbang ang sinimulan upang mapigilan ang problema ng plastic na basura, simula sa pagbabawal sa mga single-use plastic tulad ng mga straw na ginagamit sa mga softdrinks at stirrer para sa kape. Ilang mga fastfood, restaurant, grocery, at mga hotel sa Pilipinas ang gumagawa na ng hakbang na ito sa pagseserbi­syo sa kanilang mga kustomer. Isa lamang itong maliit na simula ngunit ang pag-asa na maging isa itong pandaigdig­ang hakbang at kalaunan ay hindi na rin gagamitin ang iba pang produktong plastic tulad ng mga wrappers, tali, at bag, na papalitan ng natural na materyales tulad ng papel, bulak at abaca.

Inihain na ni Senadora Loren Legarda, pinuno ng Senate Climate change Committee, ang Senate Bill 1946 upang limitahan ang pagbuo, pag-angkat at paggamit ng mga singleuse plastic. Nagiging basura, aniya, ang mga ito na bumabara sa mga kanal at nagdudulot ng polusyon sa mga katubigan. Mapanganib ito sa kalikasan, aniya, na nagdudulot ng mga pagbaha, at naglalabas ng mga nakakalaso­ng kemikal kapag sinusunog.

Ang pagkakatuk­las na ang mga isdang kinakain natin ay maaaring kontaminad­o na ng mga maliit na butil na plastic, na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao, ay dapat na gumising sa buong mundo mula sa pagbabalew­ala sa ganitong panganib. Ngayon mayroong mga balyena na natagpuang patay sa mga baybayin sa ating mga isla kasama ng mga iba’t ibang uri ng plastic sa kanilang tiyan. Sa hinaharap maaari na itong maging tao kasama ng maliliit na butil ng plastic na nagdudulot ng bagong banta sa kalusugan at sa buhay nating mga tao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines