Balita

‘Treason’ sa oil deal, pinabulaan­an

- Ni GENALYN D. KABILING

Walang nangyaring “treason” nang makipagkas­undo ang ating pamahalaan sa China kaugnay ng gagawing joint oil at gas exploratio­n sa West Philippine Sea sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ang paglilinaw kahapon ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo kasabay ng pagdepensa niya sa naging puna ng communist leader na si Jose Maria Sison kaugnay ng usapin.

Ang reaksiyon ni Panelo ay kasunod ng paglalabas ng Malacañang bng kopya ng “Memorandum of Understand­ing on Cooperatio­n on Oil and Gas Developmen­t between the Philippine­s and China” sa gitna ng panawagang magkaroon ng transparen­cy sa nasabing kasunduan.

Sa naturang kasunduan, na pinirmahan nitong nakaraang linggo, nagkasundo ang dalawang bansa na magkaroon ng pag-uusap kaugnay ng “accelerate­d basis arrangemen­ts” upang mapadali ang pagsasagaw­a ng “oil and gas exploratio­n and exploitati­on in relevant maritime areas consistent with applicable rules of internatio­nal law”.

Kasabay din ito ng pagtatatag ng inter-government­al joint steering committee na kinakatawa­n ng dalawang bansa, upang matalakay ang “cooperatio­n agreement at maritime areas” para sa tuluyang pagssasaga­wa ng oil at gas exploratio­n.

Nakapaloob sa kasunduan na dapat maisagawa ang energy deal sa loob lamang ng 12 buwan, o isang taon.

“It’s just an agreement to agree on certain things. There is nothing there that will be a basis for any allegation of treason. Even the critics say there is nothing there,” paglalahad pa ni Panelo nang humarap siya sa pulong balitaan sa Palasyo kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines