Balita

3 bata, 3 araw nawala sa gubat

- Mar T. Supnad

LIMAY, Bataan – Nasagip ng mga awtoridad ang tatlong batang babae na naiulat na nawawala sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi, makaraang mamuhay nang walang pagkain sa kagubatan ng Limay sa Bataan.

Ayon kay Bataan Police Provincial Office director, Senior Supt. Marcelo Dayag, dalawa sa mga bata ay siyam na taong gulang, habang 10-anyos ang isa pa.

Nasa ligtas na kalagayan ang mga bata nang matagpuan sila ng mga pulis at barangay tanod sa kagubatan sa Sitio Ariada Carbonsite, Barangay Lamao, kahapon ng hapon.

Sa pahayag ng mga kaanak ng tatlong bata, umalis umano sa kanilang lugar ang mga ito at nagkatuwaa­ng umakyat ng bundok at maligo sa ilog.

Matapos maligo nang ilang oras ay hindi na alam ng mga ito ang kanilang patutunguh­an.

Hanggang sa datnan na sila ng gabi at nagpalipas ng gabi sa isang kubo na pag-aari ng isang Lolo “Boy”.

Naiulat ng pulisya na dati nang ginawang hideout ng mga tauhan ng New People’s Army (NPA) ang lugar.

Sa panayam sa isa sa mga bata, sinabi niyang tanging suso, kamotengka­hoy at mga bungang-kahoy ang kinain nila sa loob ng dalawang araw.

“Nanguha po kami ng mga suso, paco at kamoteng kahoy na syang niluluto namin na pagkain. ‘Di naman kami natakot maski madilim dahil masarap sa ilog. Natatakot na rin kaming umuwi dahil pagagalita­n kami ng magulang namin,” anang isa sa mga bata.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines