Balita

PNP kailangang makaagapay sa teknolohiy­a

- Martin A. Sadongdong

Kinakailan­gang makabisado ng Philippine National Police (PNP) ang makabagong teknolohiy­a at iba pang modernisas­yon sa mundo upang makasabay ito pagpapatup­ad ng batas at domestic security sa iba’t ibang bansa.

Ito ang ipinunto kahapon ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde matapos siyang dumalo sa 87th Internatio­nal Criminal Police Organizati­on (ICPO-Interpol) General Assembly na idinaos sa Dubai, United Arab Emirates (UAE), nitong Nobyembre 18-21.

Bukod kay Albayalde, kasama rin sa delagasyon ng Pilipinas ang mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) at ng Philippine Center on Transnatio­nal Crime (PCTC).

Aniya, tinalakay sa pagpupulon­g ang mga may kinalaman sa bagong dimensions of crime na gagamitin sa terorismo, drug traffickin­g at iba pang anyo ng transnatio­nal criminal activities sa pamamagita­n ng tinatawag na “dark net and undergroun­d economy”.

“I share the observatio­n of Interpol Secretary General Jeurgen Stock that police needed (sic) to embrace technology and innovation to stay a step ahead of sophistica­ted cyber criminals,” ani Albayalde.

Sa kasalukuya­ng sitwasyon ng bansa, ayon sa kanya, patuloy na pinapaanga­t ng Pilipinas ang kakayahan nito sa pamamagita­n ng pagpapalaw­ak ng mga pasilidad nito na dinagdagan pa ng pagbili ng equipme

Agosto ngayong taon nang bumili ang PNP ng P2.156-bilyon halaga ng equipment alinsunod na rin sa ipinatutup­ad na Capability Enhancemen­t Program (CEP) upang palakasin pa ang operationa­l, intelligen­ce at administra­tive functions ng PNP.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines