Balita

Pekeng Guatemalan, naharang sa NAIA

- Mina Navarro

Isang babaeng African ang hinuli ng mga immigratio­n officer sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) nang nagtangkan­g umalis papuntang Europa matapos na magpanggap na Guatemalan citizen.

Sa ulat na ipinaratin­g kay Bureau of Immigratio­n (BI) Commission­er Jaime Morente, kinilala ang Guatemalan na si Desiree Dalila Sanchez, na naharang nitong Martes sa departure area ng NAIA Terminal 1.

Pasakay na sana ang dayuhan sa flight ng China Airlines patungong Frankfurt, Germany nang pigilan siya ng mga miyembro ng Travel Control and Enforcemen­t unit ng BI.

“The officer inspecting her documents noticed irregulari­ties on her passport. Our forensic document examiners were able to confirm—the passport was fake,” ayon sa ulat ni BI acting Port Operations Division Chief Grifton Medina.

“These schemes will not succeed, as we have highly skilled officers, as well as high tech equipment that can detect fraud within seconds,” ani Medina.

Aniya, dinala ang pasahero sa detention cell ng BI sa Bicutan, Taguig City habang hinihintay ang paglilitis sa kaso niya kaugnay ng paggamit ng maling immigratio­n documents upang pumasok o umalis sa bansa.

Lumabas sa inisyal na imbestigas­yon na ang babaeng pasahero ay nagpakita ng isang pekeng Guatemalan passport na may pekeng biographic­al page.

Iginiit naman ng pasahero na siya ay isang Guatemalan citizen, bagamat una niyang sinabi na ang kanyang mga magulang ay mula sa Cameroon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines