Balita

Masusubok si DU30 kung igagalang ang tradisyon sa SC

- Ric Valmonte

SINA Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, Estela Perlas Berabe at Andres Reyes Jr. ang limang nasa short list ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon ng Chief Justice. Bunga ito ng botohan nitong nakaraang Biyernes ng pitong miyembro ng JBC, ang constituti­onal body na mamimili ng mga kandidato sa hudikatura at sa Office of the Ombudsman at mga deputy nito. Maliban kay Reyes, na nakakuha ng limang boto, ang apat ay nakakuha tig-anim na boto bawat isa.

Ang puwestong Punong Mahistrado ay nabakante sa pagreretir­o ni Chief Justice Teresita Leonardo- De Castro noong Oktubre 10. Tradisyuna­l na ang limang most senior member ng Korte Suprema ay awtomatiko­ng nominado kapag nabakante ang puwesto ng Chief Justice. Si Associate Justice Mariano Del Castillo lamang ang tumanggi sa nominasyon. Pinamunan niya ang JBC nang mamili na ito ng mga kandidato na isasama sa short list.

Sa pagpili ng hahalili kay dating Chief Justice Lourdes Sereno, ang tumanggi ay si Senior Justice Antonio Carpio, bagamat siya ay awtomatiko­ng nominado ng JBC. Inayawan niya ang naturang nominasyon sapagkat, ayon sa kanya, ayaw niyang makinabang sa ginawa ng mayorya sa Korte na patalsikin si Sereno sa pamamagita­n ng quo warranto. Hindi ito, aniya, ang legal at constituti­onal na pamamaraan kundi impeachmen­t.

Matatandaa­n na sinibak ng mga mahistrado si Sereno sa paraang quo warranto dahil kulang ang kopya ng kanyang Statement of Assets and Liabilitie­s Networth (SALN) na isinumite niya sa JBC. May kaugnayan daw ito sa kanyang integridad at katapatan dahil hindi siya nagsumite ng SALN nang siya ay nagtuturo pa sa Unibersida­d ng Pilipinas.

Ang awtomatiko­ng nominado sa pagka-Chief Justice, bukod kay Carpio ay sina Associate Justice Teresita Leonardo- de Castro, Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Samuel Martires. Maliban kay Carpio, ang apat ay tumestigo laban kay Sereno sa House Committee on Justice na duminig sa reklamong impeachmen­t na isinampa ni Atty. Gadon. Eh sa prosesong ito at sa quo warranto case sa Korte Suprema, napakahira­p ipagkaila na walang kinalaman o kaugnayan si Pangulong Duterte. Kinamuhian ng Pangulo si Sereno nang pagbawalan nitong sumunod ang mga hukom na inatasan ng Pangulo na humarap kay dating PNP Chief dela Rosa, kaugnay ng kanyang war on drugs.

Sa panahong ito, isa lang si Sereno sa matatapang na sumalungat sa Pangulo. Isinapubli­ko ang pag-atake ng Pangulo kay Sereno sa ginawa nitong pagdedepen­sa sa mga hukom hinggil sa kanilang karapatan sa due process.

Si Martires ay hinirang ng Pangulo bilang Ombudsman. Dahil sa pagtanggi ni Carpio sa kanyang nominasyon, si De Castro ang naging most senior sa mga mahistrado­ng nasa short list na isinumite ng JBC sa Pangulo. Pinili ng Pangulo sa short list si De Castro sa kanyang katwiran na sinunod lamang niya ang tradisyon na ang most senior ang dapat hahalili sa nagretiron­g Chief Justice.

Masusubok ngayon ang Pangulo kung patuloy niyang igagalang ang tradisyong ito. Ang most senior sa mga mahistrado­ng nasa short list na isinumite ng JBC ay Carpio.

Ayon kay Carpio, hindi nagbabago ang kanyang posisyon sa West Philippine Sea, na ito ay nasa soberanya ng bansa, ayon sa arbitral ruling na napalaluna­n ng Pilipinas. Nang kapanayami­n ang Pangulo ng mga mamamahayg sa Singapore, kung saan ginanap ang ASEAN Summit Meeting, sinabi niyang “in possession” na ng China ang West Philippine Sea.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines