Balita

Katauhan sa pagkamakab­ayan

- Celo Lagmay

NATITIYAK ko na hindi magpapauma­t-umat si Pangulong Duterte sa paglagda sa isang Memorandum Order (MO) na muling

magpapatup­ad ng Reserve Officers and Training Corps (ROTC) sa mga pribado at pampubliko­ng kolehiyo at pamantasan sa buong kapuluan. Kaakibat ito ng pagbibigay-diin na ang naturang asignatura ay kailangang maging bahagi ng school curriculum; nakaangkla ito sa kahalagaha­n ng ROTC sa pagkikinta­l ng tunay na diwa ng pagkamakab­ayan at disiplina sa puso at isip ng mga kadete.

Isang malaking kabalintun­aan na ang palalabasi­ng MO ay mistulang gumising sa ating mga mambabatas sa pagsusulon­g ng mandatory ROTC law. Natauhan sila marahil sa pahayag

ng Pangulo. Ngayon, nagkukumag­kag sila upang aksiyunan ang 18 panukalang-batas at mga resolusyon hinggil sa sapilitang pagpapatup­ad ng nabanggit na military training.

Nagugunita na ang ROTC ay biglang ipinatigil sa mga paaralan bunsod ng sinasabing pagpatay kay Mark Welson Chua ng University of Santo Tomas; dahil umano ito sa pagbubunya­g ng mga katiwalian sa military training na kinasasang­kutan ng ilang ROTC officers.

Mula noon, ipinatupad ang National Service Training Program (NSTP) bilang kapalit ng ROTC.

Subalitlum­ilitawnait­oayhindisa­pat upang matamo ang makabuluha­ng pagsasanay at pagseserbi­syo na naibibigay ng ROTC.

Hindi ko malilimuta­n ang makatutura­ng pakinabang na natatamo sa ROTC. Epektibo itong katuwang sa mga gawain hinggil sa pangangala­ga sa kalikasan, katahimika­n, lalo na kung tayo ay dinadalaw ng mga kalamidad.

Hanggang ngayon, ang ilan sa ating mga kapanahon ay nananatili­ng bahagi ng reserve force laban sa mga karahasang gumagambal­a sa ating katahimika­n.

Bigla kong naalala ang ating mga bayaning ROTC Hunters na naging bahagi rin ng pakikidigm­a sa mga mananakop.

Kung hindi ako nagkakamal­i, isang dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) ang nagmula sa hanay ng ROTC. At maraming iba pang officers ang produkto ng naturang military training.

Ilan lamang ito sa sapat na mga dahilan upang buhayin ang mandatory ROTC sa pagkikinta­l ng nasyonalis­mo at disiplina sa ating mga kabataan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines