Balita

JM-Barbie fan, nanggalait­i kay Rhian

- Ni NITZ MIRALLES JM at Rhian P

INAWAY na naman si Rhian Ramos ng fans nina JM de Guzman at Barbie Imperial at sa nabasa namin, ‘tila may problema o away sina JM at Barbie at si Rhian ang sinisisi nila. Inagaw daw nito ang aktor kay Barbie at iba pang masasakit na salita.

Grabe ang nabasa naming comment na: “Very proud sya oh na may nasira syang relasyon. Intensiyon mo talagang manira kahit alam mong may jowa na lalandiin mo pa talaga para makuha mo ang gusto mo.

“Sa dinami-dami dyan nagka-interes ka pa sa may jowa na kahit alam mo naman na makakapana­kit ka. Ang tindi mo girl! Ma konsyensa ka naman RHIAN RAMOS lantaran ka, kapal din talaga ng mukha mo, eh noh may pa-like like ka pang nalalaman sa mga post ng girlfriend. Grabee ka din hay **** p! Kapal talaga ng mukha mo! Closure mo mukha mo.”

Dagdag pa ng fan, inggit si Rhian sa relasyon nina JM at Barbie, kaya sinira niya.

Sinabihan pa nito ang fans ni Rhian na hindi raw dapat hinahangaa­n si Rhian dahil hindi ito magandang ehemplo.

Galit na galit ang fan, at kung anu-ano ang sinabi na kadema-demanda. Alam ba nito na may kasong cyberlibel? In-edit lang namin ang ibang parte ng comment nito dahil hindi magandang isulat at basahin.

Ang sagot ni Rhian sa mga akusasyon sa kanya: “wtf. NOT TRUE seriously children. I’m too old for this nonsense. Gimme a break already.”

Na-isyu si Rhian kay JM nang gawin nila ang pelikulang Kung Paano Siya Nawala dahil na rin siguro sa love scenes at kissing scenes nila ni JM.

Pero itinanggi ng aktres na may “something” sila ni JM. Sabi pa ni Rhian, happy siya kina JM at Barbie and at this point of her life, wala sa plano niya ang magka-love life. Aalis nga siya, ‘di namin sigurado kung at the end of this month o first week of December para mag-aral ng Improv acting sa New York.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines