Balita

NAGTANGHAL KAHIT BANNED

-

SINENTENSY­AHAN ang isang popular na Russian rapper nang 12 araw na pagkakakul­ong nang magtanghal sa ibabaw ng kotse, sa lansangan, makaraang ipagbawal ng mga prosecutor ang kanyang gig.

Inaresto si Husky, na may malaking following ng kabataang Russians dahil umaabot ang kanyang videos ng hanggang six million views sa YouTube, nitong Miyerkules. Hinatulan ng korte sa southern city ng Krasnodar si Husky sa hooliganis­m.

Nakatakdan­g mag-perform ang 25-anyos na rapper, tanyag sa kanyang mga kanta ng pagkutya sa mga awtoridad at police brutality, sa Krasnodar nang balaan ng mga prosecutor ang venue na kanyang pagtatangh­alan na ang kanyang mga awitin ay may elemento ng “extremism.”

Dahil dito ay inilipat ang Wednesday’s gig sa ibang club, kung saan pinatay ang kuryente at nagkalat ang fans ni Husky sa labas ng venue. Maraming video ang nakapost online na kumakanta si Husky, tunay na pangalan ay Dmitry Kuznetsov, sa ibabaw ng kotse habang nakikisaba­y ang fans.

Hinayaan ng mga pulis na matapos ni Husky ang pagkanta bago siya dinakma at ikinulong, pero bago iyon, nahirapan ang mga pulis na dalhin sa presinto ang rapper dahil hinaharang­an ng fans ang police vehicle, habang nagdedeman­d na palayain si Husky. Kalaunan ay napaalis din ang mga ito ng mga awtoridad.

Inihayag din ng local police na nagsampa ng reklamo ang may-ari ng sasakyang pinagtangh­alan ni Husky ng property damage, ang kaso na maaaring maging sanhi ng kanyang mas matagal na pagkakakul­ong. Hindi pa malinaw kung ipapataw kaagad ito ng mga awtoridad.

Inihayag ng rapper sa korte na siya ay napilitang magtanghal sa lansangan dahil nakasenla ang kanyang concert nang wala man lang paliwanag. Aniya, handa siyang magbayad ng para sa anumang damage sa sasakyan.

“I acted in such a way because I faced a situation when I felt an obligation to talk to the people who had bought tickets,” sabi ni Husky sa korte.

 ??  ?? Husky
Husky

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines