Balita

‘Married man’ Justin Bieber gustong gayahin si Jesus

- Reuters

MINARKAHAN ni Justin Bieber ang kanyang unang Thanksgivi­ng bilang isang married man sa pagsasabin­g, “love isn’t always easy”, at idinagdag na sinusubuka­n niyang maging kagaya ni Jesus Christ, “to be more patient and selfless”.

Sinabi ng Canadian pop singer, 24, na nagpakasal sa modelong si Hailey Baldwin sa isang civil ceremony noong Setyembre, sa 102 milyong Instagram followers niya nitong Huwebes, Thanksgivi­ng holiday sa Amerika, na ito ang unang pagkakatao­n na naghost siya ng nasabing pagdiriwan­g.

“First thanksgivi­ng as a married man, first time hosting thanksgivi­ng,” post ni Justin nitong

Biyernes.

“Relationsh­ips are hard and love isn’t always easy but thank you Jesus for showing me how! Every day is a learning process, trying to be more like him, patient, kind, selfless, boy I got a long way! But god’s grace is sufficient!” dagdag pa niya.

Sabay na dumalo sina Justin at Hailey sa evangelica­l Hillsong Church, na itinatag sa Australia noong 1983 at ngayon ay may mga sangay na sa buong mundo at malaking bilang ng kabataan ang sumusunod sa mga prinsipyo nito. Matatandaa­ng kinumpirma ni Justin sa social media noong nakaraang linggo ang kanyang pagpapakas­al kay Hailey, nang tawagin ng Sorry singer ang modelo na “my wife” at nang palitan ni Hailey ang kanyang pangalan sa Instagram bilang

Hailey Bieber. Nitong Huwebes din ang ika-22 kaarawan ni

Hailey Bieber.

 ??  ??
 ??  ?? Justin
Justin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines