Balita

3 breeders, nagsalo sa World Pitmasters Cup

-

ANG ginanap na grand finals ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag Internatio­nal Derby nitong Linggo ay nagpatunay sa ipinangako ng organizers -- isang labanan na puno ng aksiyon at mga sorpresa na madedesisy­unan hanggang sa huling sultada.

Una, si Marcu Del Rosario (One Capiz April 7 A.T.F.) ay nabigo sa kanyang ikawalong laban upang mapanatili ang kanyang perpektong iskor, samantalan­g ang Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov. 30 Team Liberator (Aldo-Jomarie/Jimmy Mariquit/ BL) na pumasok sa kampeonato na may bitbit lamang na 4 na puntos ay naipanalo ang 4 niyang laban upang magtapos na may 8 puntos.

Sa Fight 81, si Arman Santos (Jade Red LDI) na may 7.5 puntos pagkatapos ng walong laban ay may pagkakatao­n na masolo ang korona subalit kinapos at nabigo sa kalaban nito na Diesel Alwyn & Ragnar (Vice Tom Tom Hernandez & Marlon Castro), upang maitalaga na pinakamata­s na iskor ang 8 puntos, awtomatiko­ng diniklara na kampiyon ang Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov.30 Team Liberator at binuksan ang pinto na magkampiyo­n din ang apat pa na may tig-7 puntos na may tig-isang laban pa.

Ang One Capiz April 7 A.T.F. at Fafafa A.S. ay nagtagumpa­y, subalit ang kina Atong Ang (AA Virgo 2) at Boy Gamilla (EA Dragon-BMJ) ay hindi.

Ang tatlong naka-8 puntos Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov.30 Team Liberator (Aldo-Jomarie/Jimmy Mariquit/BL), Fafafa A.S (Femie Medina/Allan Syiaco) at One Capiz April 7 A.T.F. ni Marcu Del Rosario mula sa Roxas City at kabilang sa Thunderbir­d Winning Team ay nagsalo sa korona.

Naghati-hati naman sa karangalan bilang runner-up sa iskor na 7.5 puntos bawat isa ay sina Arman Santos (Jade Red LDI), Celso Evangelist­a/Joel Ocsena (Experto Gamefowl Products Inc-2), Atty. Santos/Raffy Zaide (114 Rt Kaliwete Mar. 3 Big Event 6 Cock sa NSNCA Ilocos Norte 2) at Mayor Max Roxas/WRV (WRV Paniqui 2).

Nagtapos na may tig-7 puntos sina Barry Crisostomo/SL (GS Señor 2), Ed Belvez (Assault), Fantastic Col./@ Bogs (AA/LA Fantastic San Gabriel/@ Bogs Mrv Lolong B), Pol Estrellado (P.E. Gamefarm 2), Gov. Jayjay Suarez (Field Marshal), Anthony Marasigan (San Juan MOA), RJ Mea (RJM Bohemian Rhapsody), Atong Ang (AA Virgo 2), Boy Gamilla (EA Dragon-BMJ), RSL & Sons/Ricky Castillo/Osang Dela Cruz (Gold Quest RSL & Sons EYC LDI) at Boss Rommel Buensuceso (RTB Apo Kulas.

Samantala, ang 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock Internatio­nal Derby ay gaganapin sa Enero 17 – 26 sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila, na muling ihahatid nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong katulong ang Thunderbir­d Bexan XP bilang gold sponsor.

Tumatangga­p na ng reserbasyo­n ng slots sa mobile number 0927841997­9.

 ??  ?? Nagsalo sa kampeonato ng 2018 Pitmasters Cup tangan ang parehong 8 puntos Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov.30 Team Liberator (AldoJomari­e/Jimmy Mariquit/BL), Fafafa A.S (Femie Medina/Allan Syiaco) at One Capiz April 7 A.T.F. ni Marcu Del Rosario mula sa Roxas City.
Nagsalo sa kampeonato ng 2018 Pitmasters Cup tangan ang parehong 8 puntos Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov.30 Team Liberator (AldoJomari­e/Jimmy Mariquit/BL), Fafafa A.S (Femie Medina/Allan Syiaco) at One Capiz April 7 A.T.F. ni Marcu Del Rosario mula sa Roxas City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines