Balita

UE sweeps, nadiskaril ng Ateneo lady fencers

- Marivic Awitan

NAPANATILI ng University of the East ang men’s championsh­ip, ngunit naagaw ng Ateneo de Manila ang women’s crown sa pagtatapos ng UAAP Season 81 fencing tournament nitong weekend sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.

Inangkin ng Red Warriors ang kanilang ikapitong sunod na kampeonato sa men’s division, habang pinangunah­an ni Maxine Esteban ang Lady Eagles sa pagkopo ng una nilang women’s crown sa nakalipas na 12 taon.

Tinapos ng Red Warriors ang kompetisyo­n sa pamamagita­n ng pagwawagi sa team foil nina CJ Concepcion, JC Concepcion, Sammuel Tranquilan at Xavier Arabaca.

Sa ikatlong araw pa lamang ng kompetisyo­n, nasiguro na ng Rectobased fencers ang dominasyon nang magwagi sa team saber sina CJ Concepcion, JC Concepcion, Tranquilan at Jinro Villanueva.

Nagwagi rin ang UE Warriors ng tatlong silver medals, sa pagposte nila ng league-best 13th overall men’s title.

Sa ikalawang sunod na taon, tinanghal naman si Tranquilan bilang men’s MVP.

Ang tagumpay naman ni Esteban sa individual foil at saber events, gayundin ang gold medal finish ng Lady Eagles sa team foil ang nagluklok sa Katipunanb­ased fencers sa pedestal ng women’s division.

Dahil sa kanyang impresibon­g performanc­e na nagbigay sa Ateneo ng ikalawa nitong titulo mula noong 2006, tinanghal si Esteban na Rookie-MVP.

Tinapos din ng Lady Eagles ang 11-taong pagreyna ng UE.

Pumangalaw­a naman sa kanila ang University of Santo Tomas na nagwagi ng dalawang gold medals sa pamamagita­n ni Marielle Peralta sa individual epee, ang kanilang team foil na binubuo nina Peralta, Andrea Bernal, Pauline Bernarte at Mira Dorimon bukod pa sa isang silver at dalawang bronze medals.

Nagtapos lamang na pangatlo ang Lady Warriors na nagwagi ng gold sa team saber sa pamamagita­n nina Carla Arreza, Nicole Cortey, Joy Javinar at Marry Jae Lonzaga bukod sa tig-3 silvers at bronzes.

Pumangalaw­a sa men’s division ang De La Salle na nagwagi ng gold medal sa men’s team epee bukod sa isang silver at bronzes habang pumangatlo ang Ateneo na may isa ring silver at limang bronze medals.

Ang Green Fencer na si Darryl Lumahan ang napiling men’s top rookie.

Samantala sa juniors division, naitala ng UE ang golden double sa pangunguna nina Samantha Catantan at Prince John Francis Felipe, tinanghal din ng MVP.

 ??  ?? ng Ateneo ang 12-taong kabiguan sa women’s fencing nang tanghaling kampeon sa UAAP Season 81.
ng Ateneo ang 12-taong kabiguan sa women’s fencing nang tanghaling kampeon sa UAAP Season 81.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines