Balita

NU, at DLSZ, angat sa UAAP girls volley

-

DINAIG ng National University ang University of the East, 2518, 25-18, 25-13, nitong Linggo upang putulin ang two-game skid sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament sa FEUDiliman Gym.

Naitala ni Faith Nisperos ang anim na service aces para sa kabuuang 11 puntos, habang kumana si reigning MVP Mhicaela Belen ng siyam na hits at limang digs para sandigan ang Bullpups sa pagsungkit sa top seeding tangan ang 10-2 sa pagtatapos ng eliminatio­n round.

Hataw din sina Angel Canino ng 16 hits at Alleiah Malaluan na may dalawang ace para sandigan ang De La Salle-Zobel sa pahirapang 25-22, 25-15, 23-25, 25-16 panalo kontra Far Eastern University-Diliman.

Ngunit, nalaglag sa No.2 seed ang Junior Lady Spikers bunsod nang mas mababang quotient points.

Ginapi naman ng University of Santo Tomas, sa pangunguna ni Renee Lou Penafiel na may tatlong service aces para sa kabuuang 17 puntos, ang Adamson University, 2523, 25-22, 25-18. Nag-ambag si Imee Hernandez ng 16 puntos.

Nakuha ng Junior Tigresses ang No. 3 ranking sa Final Four na may 8-4 karta, habang No.4 ang Baby Falcons na may 7-5.

Tangan ng NU at De La SalleZobel ang twice-to-beat incentives kontra Adamson University at UST, ayon sa pagkakasun­od.

Sa boys division, giniba ng FEUDiliman ang asam na awtomatiko­ng final berth ng NU sa impresibon­g 21-25, 25-23, 25-22, 25-21 panalo.

Sinibak naman ng UST ang UE, 19-25, 25-18, 25-16, 25-7, sapat para makuha ng Adamson University – nagwagi kontra De La Salle-Zobel, 25-19, 25-17, 21-25, 25-15 – ang No.4 sa Final Four.

Tinapos ng Bullpups ang kampanya na may 13-1 karta at tangan ang twice-to-beat advantage kontra sa No.4 Baby Falcons sa Final Four duel. Magtutuos naman ang Tiger Cubs at Baby Tamaraws sa hiwalay na semifinals match-up.

Nagwagi naman ang Ateneo kontra UP Integrated School, 24-26, 25-23, 25-14, 24-26, 15-13, para sa ikalawang panalo ngayong season.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines