Balita

RANSOM: CAMPAIGN FUNDS

KFR sa Mindanao, pampondo ng pulitiko—PNP Chief

- Ni AARON RECUENCO

Nakikipags­abwatan sa private armed groups, partikular sa mga nagsasagaw ang kidnap-for-ransom (KFR), ang ilang pulitiko sa Mindanao upang mangalap ng pondo para sa eleksiyon sa Mayo 13, 2019.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde.

Aniya, kadalasan sa fund-raising criminal activity sa rehiyon ay ang kidnapping-for-ransom ng Abu Sayyaf Group (ASG), sa tulong na rin ng ilang pulitiko.

“These are all based on the intelligen­ce informatio­n that we gather. We have not establish that there’s collusion, that’s why we need to develop and conduct of case buildup. But sometimes, you just have reason to that there’s collusion there,” ani Albayalde.

Aminado si Albayalde na hirap sila sa pagkalap ng physical evidence kaugnay ng pagkakasan­gkot ng ilang pulitiko, dahil sobra rin ang ginagawang pag-iingat ng mga ito.

Batay sa natanggap na impormasyo­n ng PNP, mayroong hawak na 10 na pulis ang isa sa bawat tiwaling pulitiko sa Mindanao, na humahawak din ng private goons na magtatraba­ho upang makalikom ng kaukulang pondong gagamitin sa eleksiyon.

Madalas, aniya, ang insidente ng pagdukot sa kanlurang bahagi ng Mindanao, partikular na sa Basilan at Zamboanga areas.

“This is quite dangerous because of the upcoming elections. We should not allow this to happen especially that kidnapping­s are still happening in some parts of Mindanao,” sabi ni Albayalde.

Ayon sa PNP Chief, dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya­ng pagbabatay­an ng pulisya, ipatutupad na lang muna nila sa ngayon ang mahigpit na pagbabanta­y upang maiwasan ang mga kidnapping sa Mindanao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines