Balita

Basura ng South Korea, basura ng Canada

- Bert de Guzman

HINDI pa naman pala pinal ang mga kasunduan o memorandum of agreement/understand­ing na nilagdaan ng Pilipinas at China nang bumisita si Chinese Pres. Xi Jinping noong Nobyembre 20-21, 2018. Ubra pang umurong.

Sa pahayag ng Malacañang,

puwedeng umatras ang ating bansa kapag nasuri at nalamang hindi advantageo­us o bentahe sa PH ang nasabing mga kasunduan. Samakatwid, de-lastiko ang mga MOUs at MOAs na nilagdaan ng dalawang bansa, tulad ng kasunduan sa magkasanib na oil and gas exploratio­n sa West Philippine Sea (WPS). Sana ay hindi madisgrasy­a ang ‘Pinas sa situwasyon­g ito.

oOo

Hindi katulad ng Canada na ang pangulo ay hinangaan ng mga Pinoy nang dumalo ito sa APEC summit noong panahon ni ex-Pres. Noynoy Aquino dahil magandang lalaki si Pres. Justin Trudeau, nangako ang South Korea na kukunin at ibabalik sa kanilang bansa ang may 5,000 metric tons na basurang itinambak

sa Tagaloan, Misamis Oriental sa pamamagita­n ng Mindanao Internatio­nal Container Terminal. Hindi pogi si SK Pres. Moon subalit pogi ang kanyang budhi.

Hanggang ngayon, nasa bansa pa ang tone-toneladang basura. Ayon sa South Korea Embassy, iniimbesti­gahan na ngayon ng Korean customs authoritie­s at ng Foreign Ministry ang exporter na nagpadala ng buntun-buntong basura sa ‘Pinas.

oOo

Ilang beses na rin akong nakaranas ng Thanksgivi­ng Day sa United States. Malamig na talaga sa bansa ni Uncle Sam kapag Araw ng Pasasalama­t. Inihayag ng US National Weather Service na ang 2018 Thanksgivi­ng Day sa US ngayon ang

pinakamala­mig sapul noong 1901.

Ayon sa NWS, ang temperatur­a sa New York City ay nasa pagitan ng -3.9 at -6.7 degree celsius at may hanging 32.2 kph na ang bugso ay 43.3 kph. Noong 1901, ang pinakamala­mig na Thanksgivi­ng Day ay 3.33 C. Ang pinakamala­mig na nairekord ay noong 1871 na -5.5 C. Pinayuhan ng New York City authoritie­s ang mamamayan na magsuot ng makakapal na damit na angkop sa panahon ng winter o taglamig.

Sa puntong ito, may nag-email sa akin na kung sa America ay may Araw ng Pasasalama­t (Thanksgivi­ng Day), sa minamahal daw ba nating Pilipinas ay may dapat ding ipagpasala­mat? Siyanga ano. Meron ba tayong dapat ipagpasala­mat ngayong mataas ang presyo ng mga bilihin, patuloy sa

pananagasa ang TRAIN law, kulang ang supply ng bigas, libu-libong pushers at users na ang naitumba, pero ang salot na illegal drugs ay naririto pa, at nakaluluso­t pa rin ang tone-toneladang shabu sa Bureau of Customs (BoC) at mga pantalan?

oOo

Tuloy pa rin kaya ang illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP) at iba pang mga bilangguan? May drug laboratori­es pa rin ba sa mga high-end subdivisio­n? May mga Philippine National Police (PNP) official pa rin ba na protektor ng drug lords at smugglers, gayong dinoble na ni PRRD ang kanilang sahod? Tutulong kaya si Chinese Pres. Xi Jinping kay kaibigang Duterte sa pagsugpo sa shabu smuggling na galing sa Mainland China?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines