Balita

Magkano ang ‘most expensive gift’ ni Sharon?

- Ador V. Saluta

HINDI makapaniwa­la si Regine Velasquez nang iabot sa kanya ni Sharon Cuneta sa stage ng Regine at the Movies concert ang ayon sa Megastar ay “most expensive gift” na naibigay niya sa buong buhay niya.

Isa si Sharon sa guests ng Asia’s Songbird sa kanyang concert nitong Sabado sa New Frontier Theater in Quezon City.

The two Kapamilya stars performed the 1980’s hit song Bituing Walang Ningning.

During their performanc­e, Sharon took off a flower-shaped diamondstu­dded double finger ring, and handed it to Regine as a gift.

“Pinakamaha­l na regalong nabigay ko sa buhay ko ‘to,” sabi ni Sharon. “Masa-shock ‘yung mga kasama ko sa likod!”

Bagamat nasorpresa, nagawa pang magbiro si Regine: “Puwede bang isangla ‘to?” Natatawa namang sumagot si Sharon: “’Wag mo namang isangla,” saka sila nagtawanan. Ipinaliwan­ag pa ng bida ng pelikulang Three Words to Forever, na showing na bukas, kung bakit she suddenly gave Regine the ring. “Sometimes, I get this feeling na I want to give... but it’s the most expensive gift I’ve ever given anyone,” sabi ni Sharon.

Ang nasabing singsing, na gawa ni Candy Dizon of Jul B. Dizon Jewelry, ay ten years nang iniingatan ng Megastar.

Pabiro pang binulungan ni Sharon ang ibinigay na singsing: “I’ll miss you! I love you so much!”

In jest, Sharon also asked Regine if she also has a “remembranc­e” for her. sa “Meron, meron akong ibibigay! Ibibigay ko na sa ‘yo yung asawa ko (Ogie Alcasid) kapalit nito (singsing)!” ganting biro ni Regine, na umani ng halakhakan ng concertgoe­rs.

 ??  ?? Sharon
Sharon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines