Balita

Ayaw makipagsex, kinatay

- Bonita L. Ermac

ILIGAN CITY – Patay na nang matagpuan si Myra M. Hugo, 31, single mother at residente ng Purok 10 Cayometo Street, Barangay Santiago, sa labas ng bahay ni Chilet Dingcong Pinque sa Purok Katilingba­non sa Bgy. Ubaldo Laya, nitong Sabado ng gabi.

Nadatnan ng rumesponde­ng mga pulis ang babaeng duguan. Ito ay nagtamo ng mga sugat sa kanyang kaliwang pulso, tatlo sa kanyang dibdib at isa sa ibabang bahagi ng kaliwang tenga.

Sa imbestigas­yon, kinilala ang suspek na si Jeriel Ralph Dingcong Y Dumat, 18, trisicad driver, ng Benetiz compound sa Bgy. Mahayahay.

Sina Dingcong at Hugo, na kilalang magkasinta­han, at isang 'di pa nakikilala­ng bading ay nag-iinuman sa kalapit na tindahan.

Ayon kay Police Chief Insp. James Daleon, police station 4 commander, selos ang dahilan kung bakit nagawa ng suspek ang krimen.

Dagdag pa sa imbestigas­yon, gumagamit ng ilegal na droga ang suspek na nagselos dahil tumangging makipagtal­ik sa kanya ang nobya.

"Ang dalawa ay may relasyon, unanguna nakita natin sa motibo, ito ay selos na naghahanto­ng sa kamatayan ng babae", ani PCINSP Daleon.

Inaresto si Dingcong nang makatangga­p ng ulat mula sa isang informant, na force multiplier sa lugar, at idiniretso sa police station 4 (PS4).

Nakakulong ang suspek sa Police station 4 detention cell, Tubod, Iligan City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines