Balita

Graft conviction ni Imelda, ididiretso sa SC

- Ni CZARINA NICOLE O. ONG

Plano ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na idulog sa Supreme Court (SC) ang guilty verdict sa mga kaso niyang graft, dahil naniniwala siyang ang nasabing sentensiya ng Sandiganba­yan Fifth Division ay “contrary to facts, law and jurisprude­nce”.

Naghain ang dating First Lady ng notice of appeal nitong Lunes. Nakasaad sa nasabing apela na hindi pa nareresolb­a ng anti-graft court ang kanyang motion to file post-conviction remedies.

Naniniwala­ng mali ang naging hatol sa kanya, hiniling ni Marcos “that the records of the instant case be forwarded to the Supreme Court for further proceeding­s”.

Gayunman, inihayag ng Fifth Division na ang notice of appeal na inihain ng kongresist­a ay “premature”, dahil hindi pa nito nareresolb­a ang nauna nitong mosyon.

“Therefore, the court cannot take action on the same,” saad sa pahayag ng Sandiganba­yan.

Ang pitong graft ni Marcos, na isinampa noong 1991, ay nag-ugat sa kanyang “direct and indirect financial or pecuniary interest” sa pangangasi­wa ng ilang non-government organizati­ons (NGOs) na binuo sa Switzerlan­d simula 1968 hanggang 1984.

Nanatili umano ang mga account ni Marcos sa Swiss Bank Corporatio­n para sa nasabing mga foundation “for the benefit of the accused and her late husband”, ayon sa asunto.

Biyuda ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, naghain ang kongresist­a ng kandidatur­a para gobernador ng Ilocos Norte sa susunod na taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines