Balita

JM at Rhian, may ginawa kay Barbie?

- JM at Rhian Barbie Nitz Miralles

KUNG si Rhian Ramos ay napa-“WTF” lang sa pang-aaway sa kanya ng fans nina

JM de Guzman at

Barbie Imperial, sinagot naman sila ni JM. Ang buwelta ni JM ay para sa tumawag kay Rhian na “ungrateful beast”, na nagkalat din na may relasyon na sila ni Rhian kaya nasaktan si Barbie.

“Focus ka sa pamilya mo, sa future mo. Trip mo issues ng iba? Magtrabaho ka...follow your dreams,” payo ni JM sa fan ng JuanBie.

Sinagot naman ito ng fan at sinabing may decent job siya, may healthy family din. Binanggit na nito nang detalyado ang ginawa nila ni Rhian, na ginantihan ni JM ng, “Pa-cool ka masyado. Emerged.”

Sa mga sumunod na sagot ni JM, resbak ng nangagalai­ting fan: “O, e ‘di kayo nga sumisira sa fandom na to. H*ngh*ng ka pala, e. Inamin nyo din. Sh*nga.”

Curious kaming malaman kung anong ginawa nina JM at Rhian kay Barbie at kung ano ang dating kay JM ng mga akusasyon sa kanya ng fan, na front lang daw niya si Barbie. Payo pa nga ng fan, magpakatot­oo daw si JM, may nabanggit pa ngang ang management daw ni JM ang magda-damage control.

Sa huling message ng fan kay JM na “Be good and be happy. Be real,” ang sagot ni JM, “Suko ka na? Tuloy mo pambubully mo, huy...” at “’Yang nasa taas ng tatsulok ng juanbie. Na nagmamanip­ula sa mga totoong sumusuport­a at nagmamahal sa ‘min ni Barbie, ano pinagkakaa­balahan n’yo ngayon? Sa kamay n’yo pa napunta. Mga balat kayo.”

Sa nabasa naming comments, na kay JM ang simpatiya ng netizens, nagtatraba­ho lang daw ang aktor at nagsisimul­a uling patakbuhin ang career, pero heto at may fans na lahat ng kilos at ginagawa ay pinakikial­aman.

Tama rin ang sabi ng ibang netizens na hindi lahat ng love team ay nauuwi sa relasyon at nagkakatul­uyan. May sariling mga buhay ang mga artista off-cam. Hindi sila mapipilit na gustuhin ang isa’t isa dahil ‘pag sapilitan, sa wala rin nauuwi.

Nag-agree rin ang mga nakabasa na hindi kailangan ni JM ng ka-love team, mahusay na artista si JM at kaya niyang mag-isa. Pero siyempre, ang ABS-CBN at mga producer ang nakakaalam kung sino ang ipapareha sa kanya.

Paano pala ‘yan, kasi sa susunod na pelikula ni JM ay si Arci Muῆoz ang katambal niya. Awayin din kaya si Arci ng Juanbie fans?

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines