Balita

Duterte sa publiko: Build your own chapel

- Ni GENALYN D. KABILING

Muling nagpakawal­a ng batikos laban sa Simbahang katoliko si pangulong Duterte, sa paghikayat nito sa publiko na magtayo ng kanilang sariling chapel sa halip na pumunta ng simbahan na nababaluta­n umano ng kurapsiyon.

“You build a chapel on your own house and pray there. You do not have to go to church to pay for these idiots,” pahayag ng Pangulo, sa idinaos na groundbrea­king ng Davao City bulk water supply project sa Davao City.

Iginiit ng Pangulo, na una nang sinabing ang simbahan ang pinaka hipokriton­g institusyo­n sa bansa, na ang mga pangaral nito ay naging “archaic.”

Pinuna rin niya ang Simbahan sa pangongole­kta ng bayad para sa serbisyo ng pagpapabin­yag, kasal at libing habang ilang pari umano ang sangkot sa kurapsiyon at mga iregularid­ad.

“Wala bang obispo dito? Babatukan ko ‘yang mga ulo ninyo. Kayo ‘yan eh. The Catholic Church pati si Bishop David sa Caloocan. Clinging on to a belief which was 3,000 years ago,” aniya.

“Ang mga tao noon nomads. What do they know about the world today tapos pasundin mo ‘yang sinusulat ninyo? Totoo. How can the people there 3,000 years ago predict or project what is happening today? And it’s only the archaic church of --- because it’s getting money, that’s all,” dagdag pa ng Pangulo.

Inatake rin niya ang ilang Obispo na humihingi ng sasakyan mula sa pamahalaan “knowing fully well that it is corruption, as there is a separation of church and state.”

“And you have the balls, brave as you are, to ask property of the government. Tapos magsalita kayong mga p ***** i** ninyo akala mo sino kayo,” sambit pa ni Duterte.

Kinuwestiy­on din niya si “David” sa tunay na motibo nito sa madalas nitong mga biyahe tuwing gabi.”I’m telling you, David. Nagdududa nga ako bakit sige ikot ‘yan ng gabi. Nagduda tuloy ako p ***** i** nasa droga ka,” ani Duterte.

Inihayag ng Pangulo ang kritisismo ilang araw matapos nitong akusahan ang isang Obispo na nagnanakaw umano sa donasyon ng simbahan para sa kanyang pamilya. Sa kanyang pagbisita sa Cavite nitong nakaraang linggo, tinukoy niya ang isang Obispo na nagngangal­ang “David” na humihingi umano ng kontribusy­on sa mga nagsimba, ngunit napupunta lamang sa sarili nitong bulsa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines