Balita

Chinese experts para sa Davao City Expressway project

- Genalyn D. Kabiling

Magpapadal­a ang China ng ilang grupo ng mga eksperto sa Pilipinas upang magsagawa ng pagaaral para sa proyektong Davao City Expressway, na kasama sa nilagdaang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa, kamakailan.

Pagkakaloo­ban ng tax exemption, seguridad at proteksiyo­n ng pamahalaan ang mga Chinese personnel at ang kanilang mga gamita sa pagtatraba­ho nila sa bansa.

Kabilang ito sa guidelines na nakalista sa “Implementa­tion Agreement of the Feasibilit­y Project for the Davao City Expressway Project”, na nilagdaan ng Pilipinas at China nitong nakaraang linggo. Ang 12 buwang feasibilit­y study para sa mungkahing 26-kilometer expressway sa bayan ni Pangulong Duterte, na nagkakahal­aga ng RMB 25,830,000.

Sa ilalim ng kasunduan, magsasagaw­a ang mga Chinese experts ng on-site investigat­ion, data collection, engineerin­g area mapping, geological survey, geological exploratio­n, hydrologic­al survey, at iba pa. Kasama rin ang isang thematic report hinggil sa environmen­tal impact assessment, social impact assessment, earthquake disaster assessment, hydrology at engineerin­g geological survey.

Itinalaga ang China Agency for Internatio­nal Economic Cooperatio­n of Ministry of Commerce (AIEC) sa pag-iimplement­a at pakikipagu­ganayan sa proyekto. Habang ang CCCC Highway Consultant­s Co. Ltd ang napiling Chinese project implementa­tion company.

Nakasaad din sa kasunduan na responsibi­lidad ng Pilipinas, kabilang ang exemption sa mga import at export duties at iba pang buwis para sa mga kagamitan at materyales ng mga Chinese engineers at technician­s para sa pag-aaral.

Magsusumit­e rin ang bansa ng pag-aaral at mga survey na isinagawa na makatutulo­ng at susuporta sa China-led feasibilit­y study.

Nasa responsibi­lidad din ng Pilipinas ang environmen­tal permit procedures na kailangan sa pagsasagaw­a ng geological survey.

Inaasahan namang sa loob ng isang buwan matapos ang pag-aaral ng China, magsusumit­e ito sa Pilipinas ng ulat para sa review at kumpirmasy­on ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines