Balita

Imbestigas­yon sa napatay na Intel chief, inihirit

- Ni BELLA GAMOTEA

Humiritngm­asusingimb­estigasyon ang pamilya ng napatay na hepe ng Intelligen­ce Section ng Pasay City Police na si Chief Insp. Manuel Junior Taytayon, sa pagbisita ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa burol nito sa lungsod, kahapon ng umaga.

Ayon sa pamilya ni Taytayon, may foul play na nangyari at posible umanong nabaril ito ng kapwa niya pulis sa kasagsagan ng operasyon sa pagdakip sa napatay na si Marc Nico Dilemios, na suspek naman sa pagpatay sa Grab driver noong 2017.

Inihayag ni Albayalde na may apat na tama ng bala sa katawan ni Taytayon habang dalawang bala ang tumagos sa likod nito, subalit hindi narekober ang basyo sa pinangyari­han.

Kaugnay nito, tiniyak ng PNP chief sa pamilya ni Taytayon ang patas na imbestigas­yon sa insidente.

Kasama ni Albayalde na nakiramay sina National Capital Region Police Office Chief (NCRPO) Guillermo Eleazar at Southern Police District (SPD) Director Eliseo Cruz, bandang 10:00 ng umaga.

Bitbit ni Albayalde ang Medalya ng Kagalingan at iginawad nito sa namayapang Intel chief.

Dumalaw din sa burol sina Pasay City Mayor Antonino Calixto, Congresswo­man Imelda Rubiano, Pasay City Police chief Noel Flores at iba pang tauhan ng pulisya.

Linggo nang bawian ng buhay si Taytayon nang maunahan siyang barilin ni Dilemios.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines