Balita

15 Chinese laglag sa online gambling

- Jeffrey G. Damicog at Beth Camia

Labing-limang Chinese na sangkot sa online gambling activities ang inaresto ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) sa magkahiwal­ay na operasyon sa Maynila at Angeles City.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, isinagawa ng Cybercrime Division (NBICCD) ng NBI ang operasyon sa Maynila nitong Nobyembre 22 at sa Angeles City nitong Nobyembre 21.

Kabilang sa mga inaresto sa Maynila ay sina Pan Jianbei, Pan Taiyuan, Jie Lu, Shengbo Zhang, at Jian Lou Zhou.

Habang inaresto sa Angeles City ay sina Yu Shize, Lin Hai Yang, Li Jun Qing, Yu Wen Quian, Xiao Wen Lao, Cai Shui Rong, Lin Jingming, Ju Shi Lin, Qiu Zai Wei, at Xiao Jian Ze.

Ayon kay Gierran, lahat ng suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Presidenti­al Decree 1602, ang Anti-Illegal Gambling Act, in relation to Republic Act 10175, ang Cybercrime Prevention Act.

Armado ng search warrants, inaresto ng NBI-CCD ang limang Chinese sa tatlong condominiu­m units sa isang gusali sa Malate, Manyila makaraang ireklamo ng mga dayuhan na nakatira sa lugar.

Sa gitna ng operasyon, bigo ang mga suspek na magpakita ng lisensiya at permit na kinakailan­gan para sa pagpapatak­bo ng online gambling business.

Narekober sa mga condominiu­m units ang mobile wifi, router, passport copies, one-time passport devices, cell phones, laptops, at desktops.

Habang ang operasyon sa Angeles City ay base sa reklamo laban sa online gambling activities sa bahay ng isang Li Kun Ling sa Punta Verde Subdivisio­n.

Nagsagawa rin ng operasyon ang NBI-CCD sa bahay ng isang Chinese, na wala roon.

Bukod sa pag-aresto sa 10 Chinese, narekober din sa bahay ang mga desktop, cell phones, sim card, router, wifi connector, at brush machine.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines