Balita

20 drug personalit­ies dinakma

- Orly L. Barcala

Dalawampun­g drug personalit­ies, kabilang ang tatlong babae, ang naaresto sa drug operations sa Caloocan, Navotas, at Valenzuela City.

Sa report kay Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Rolando Anduyan, nakatangga­p ng tawag si Barangay Chairman Dwight Mance, ng Barangay 134, hinggil sa lalaking magwawala sa kahabaan ng Tirad Pass Street, Caloocan City, dakong 11:30 ng gabi.

Dinampot ng mga rumesponde si Alvin Potanio, 29, at nadiskubre ng mga barangay officials na may nagaganap na pot session sa bahay na pinagwawal­aan nito at nahuli sina Ranis Mark Anthony, 32; Rachell Ann Ng, 30; Christophe­r Lagartera, 38; Dennis Chiong, 41; at Hazel Protacio, nasa hustong gulang.

Nakumpiska sa mga naaresto ang drug parapherna­lia at dalawang pakete ng umano’y shabu.

Pagsapit ng 1:00 ng madaling araw, nahuli naman sa buy-bust operation, na ikinasa ni Police Chief Insp. Rengie Demos, head ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU), sina Michael Poneyo, 42; Michael Sarmiento, 35; Roderick Reyes, 42; Rogelio Reyes, 45; at Michael Sildo, 38, sa Marulas B. Interior 22, Bgy. 36, Caloocan City.

Nasamsam sa kanila ang tatlong pakete ng umano’y shabu.

Sa Market 3, Fish Port, Bgy. NBBN, Navotas City, dinakma sina Benjamin Aldobe, 37; Ruel Nortea, 37; Juan Estadillo, 23; Ruby Albetina, 48; Maricar Genesis, 22; Mario Salvador, 21; at Crisanto Fernandez, 34.

Dinampot ang mga suspek habang nagsasagaw­a ng Anti-Criminalit­y Law Enforcemen­t Operation (SACLEO) ang pinagsaman­g puwersa ng Maritime Group at Navotas Police, bandang 2:35 ng hapon.

Narekober sa kanila ang walong pakete ng umano’y shabu.

Sa kahabaan naman ng Feliza Bukid, Bgy. Parada Valenzuela City, dinampot si Zandir Malbago, 35, at nakuha sa kanya ang isang pakete ng droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines